Kabanata 8

108K 1.8K 31
                                    


Kabanata 8

Decision

            

            
Kabadong-kabado ako habang iniisip kung bakit ganun na lang ang tuno ng boses ni Kuya. Pilit kong iwinawaksi sa isipan ko ang ideyang nabuo sa isipan ko.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko lalo na nang huminto ang sinakyan kong taxi sa harap ng gate ng bahay. Pagkababa ko rito, humugot muna ako nang malalim na hininga, para palakasin ang loob ko saka pumasok sa loob.

Nadatnan ko si Kuya sa living room. Nakaupo sa sofa at nakayuko habang pinaglalaruan ang nakakuyom niyang kamao.

I gulped.

“K-Kuya.”

Inangat niya ang mukha niya at agad na lumipad saakin ang mga mata niyang mas lalong nagpakaba saakin. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Para siyang papatay ng tao sa ekspresyong nakikita ko sa mukha niya. Muli akong napalunok sa isipan ko.

Kinakabahan man, pinilit kong magsalita, “B-bakit..”

Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang tumayo siya at inisang hakbang lang ang pagitan namin. Kasabay nun ang paglipad ng palad niya sa pisngi ko. Sa sobrang lakas ng sampal niya, napabaling ako sa kaliwa ko. Agad kong naramdaman ang pamamanhid ng pisngi ko sa sakit ng sampal na natanggap ko sa kanya. Ni halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko.

Agad namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi dahil sa sakit na nararamdaman kong sampal niya. Kundi hindi ako kapaniwala. Hindi ako kapaniwalang pinagbuhatan ng kamay.

“K-Kuya,” my voice broke.

Sa halip na sumagot, may itinapon siya saakin. Nang tiningnan ko sa sahig, dun ko nakita ang picture ng ultrasound at pregnancy test.

Shit!

Muli akong napatingin sa kanya. Nanginginig at halos hindi ako makahanap ng salita dahil sa magkahalong kaba at takot na nararamdaman ko ngayon.

Nakita ko kung paano niya pakalmahin ang sarili niya bago nagsalita, “Who’s the father of your child?” ramdam na ramdam ko ang pagpipigil niya ng galit.

Hindi ako nakasagot.

Pumikit siya nang mariin na tila pigil na pigil na muli akong pagbuhatan ng kamay bago muling nagsalita, “I heard you vomited last morning. Actually, that was not the first time I heard you. Maraming beses. Hindi lang ‘yun, napansin ko ang pagbabago mo. Hindi ka naman malakas kumain, e’, pero nitong mga nakaraang araw, pansin kong nagbago ‘yun. You’re always craving with something na hindi mo naman ginagawa dati. That's why I doubt it. Simula nun, pinagmasdan kita nang palihim. Hanggang sa makahanap ako ng ebedensya..”

Muli niyang kinuha ang ultrasound picture at pregnancy test sa sahig then he faced me again, glaring and gritting his teeth, “Ito ‘yun.” napamura siya nang malutong at napahilamos sa mukha, “What the fuck is these, Alejah? Is these yours? You’re fucking pregnant?”

Napahagulgol ako, “S-sorry, Kuya.”

“I trusted you!” biglang tumaas ang boses niya na ikinapitlag ko sa gulat, “Ni kailanman hindi ko naiisip na magagawa mo ‘to dahil akala ko iba ka sa ibang babae pero bakit, ah? Bakit, Alejah? Bakit mo sinira ang tiwala ko sa‘yo?! You’re just seventeen for Pete’s sake!”

“K-Kuya, please, huminahon ka.”

Para akong nanghina nang makita kong may nahulog na luha sa pisngi ni Kuya. Kailanman hindi ko siya nakitang umiyak. Kahit nuong mawala si Daddy, hindi siya umiyak. At parang gusto kong suntukin nang paulit-ulit ang sarili ko dahil sa nakikita ko. Kuya Zyrel is crying because of me! Dahil sa kagagahang nagawa ko!

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon