Kabanata 22
Challenge
I still can remember the tears I shed because of JD years ago. Noong panahong nagkakaruon siya ng bagong girlfriend. Nagkukulong ako sa kwarto para umiyak at wala akong ibang mapagsabihan kundi ang best friend kong si Shannon. At hindi ko akalaing mapapawi ang mga masakit na naramdaman ko nuon dahil lang sa nangyari.Matapos nang nangyari. After JD confessed to me that he likes me, lagi na niya akong tini-text, or even call me. Hindi lang para kamustahin ang anak ko, kundi kamustahin na rin ako.
He has been sweet to me and until now I still couldn't believe that this is all happening. Hindi ko alam na mararanasan ko rin iyung mga naranasan ng mga naging girlfriend niya nuon.
Girlfriend. I want to laugh on that thought. Because I actually don't know what the real score between us. Yes, he said he likes me at kahit hindi ko sabihin sa kanya, alam naman niya ang nararamdaman ko. We kissed, pero hindi ko alam kung anong meron kami. He never asked me about that, ganun din naman ako.
Bumalik lang ang diwa ko mula sa malalim na pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napalunok ako nang makita kong nagvi-video call siya.
Bumuntong-hininga ako at lumabas sa kwarto para puntahan si Caleb sa baba na nag-aaral kasama ang bago niyang Yaya.
Magdadalawang linggo na rin mula nang makabalik si Caleb sa school nang makahanap si JD ng bago niyang Yaya. Siya ang naghanap ng bagong Yaya ni Caleb na hindi ko na kwinestyon pa.
“Caleb!”pagkuha ko ng atensyon nito nang makalapit ako sa kanya. Agad naman siyang napaangat ng tingin saakin, “Your dad.”
Nakangiti siyang lumapit saakin saka excited na kinuha ang cellphone saakin. Siya na mismo ang sumagot ng tawag.
“Hello, Daddy!”
Bumuntong-hininga ako at hinayaan ko muna siyang kausapin ang daddy niyang nasa ibang bansa ngayon.
Tatlong araw na rin siya sa bansang Thailand dahil nandun ang franchise ng kompanya nila. Sa tatlong araw na iyun, wala siyang ginawa kundi ang tumawag o video call. At sa tatlong araw na nagvi-video call siya, hindi ko iyun sinasagot, si Caleb ang pinapasagot ko.
Matapos kasi nang araw na inamin niya saaking gusto niya ako, ilap pa rin ako sa kanya. Hindi ko pa rin kaya tuwing kaharap at kausap siya. Alam mo ‘yung feeling na, masaya ka naman kapag nandiyan o kausap mo siya pero hindi ka lang talaga kompartable? I don't know. Kaya mas pinili ko na lang na huwag siyang kausapin, maliban nga lang kapag nagtatanong siya tungkol kay Caleb. I have no choice but to talk to him.
“Really, Daddy?” pagpatuloy ng pag-uusap ng mag-ama.
Bumuntong-hininga ako habang sinusulyapan ko lang ang anak kong kinakausap ang ama niya. Hanggang sa mapadapo ang tingin ko sa drawing ni Caleb na nasa ibabaw ng coffee table. Mukhang ito ‘yung pinagkakaabalahan niya kanina nang lapitan ko siya.
Kinuha ko iyun at hindi ko napigilang mapangiti. It's a family picture. A happy family picture. Lalo na’t may nakasulat sa bawat taong drawing na mommy, daddy and me and he draw it well.
“Mommy,”
Napakurap lang ako dahil sa boses ni Caleb. Nakita kong nakatayo na siya sa gilid ko.
“Dad wants to talk to you.”
Muli akong napakurap at napalunok sa sinabi niya, “Why?”
He shrugged, “I don't know. Just talk to him, will you?” bossy nitong sagot. Napailing na lang ako sa kasupladahan nito saka ko kinuha sa kanya ang cellphone na nilalahad niya saakin.
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...