Kabanata 14

112K 2.1K 302
                                    

Kabanata 14

Weird

          
             
              
Napapikit ako para alalahanin ang mukha ni JD. Napangiti ako nang mapait habang sunod-sunod na naglalandasan ang luha sa pisngi ko. Muli kong hinaplos ang umbok ng tiyan ko.

“Baby, sayang. Hindi mo man lang makikita at makikilala ang ama mo. Pero okay lang ‘yun, baby. Basta ang mahala sa ngayon, ikaw at ako. Huwag mong papaiyakin si Mommy, ha? Mahalin mo si Mommy na hindi nagawa ng daddy mo.”

Hindi ko napigilang humikbi. Nawalan ako ng pakialam kahit pinagtitinginan na ako ng ibang pasahero rito sa terminal. Nagtataka yata sila kung ba’t ako humahagulgol.

Napatigil lang ako sa paghikbi nang makarinig ako nang mahinang daing mula sa likuran ko. Agad akong napalingon dito. Napakurap ako nang may nakita akong lalaking nakahiga sa mga benches. Unti-unti nitong inalis ang leather jacket na nakatabon sa mukha niya kanina saka nito kinusot-kusot ang mga mata.

Napalunok ako nang mapatingin ito saakin. Kapagkuwan, humihikab itong bumangon mula sa pagkakahiga at muling tumingin saakin.

“Namatayan ka ba?” tanong nito bigla.

Alanganin akong umiling, “H-hindi.”

Muli itong humikab, “Then why are you sobbing na parang namatayan ka? Nadisturbo mo tuloy ang tulog ko. Ahh alam ko na. Did your boyfriend left you?”

Ngumiwi ako at muling umiling, “Hindi rin.”

At hindi ko rin alam kung bakit ko siya kinakausap kaya muli akong tumingin sa unahan. Pinipigilan ko nang umiyak dahil nakakahiya naman sa lalaking nasa likuran ko.

But he looks familiar. Where did I meet him?

Naputol lang ang pag-iisip ko nang bigla itong umupo sa tabi kong ikinagulat ko nang bahagya. Napakurap ako nang may inabot siya saaking panyo.

“Your..” ngumiwi siya sabay turo sa ilong niya, “.. catarrh is dripping.”

Dahil sa sinabi niya, walang pagdadalawang-isip kong tinanggap ang panyong inaabot niya saka ko iyun ipinunas sa ilong ko.

Nang muli ko siyang tingnan, nakita kong nagpipigil siya ng tawa hanggang sa hindi na niya nakayanan iyun. Tawa siya nang tawa habang nakatingin sa mukha ko. Ako naman, hindi ko napigilang mapatitig sa magkabilang biloy siya sa pisngi.

A man with dimples!

But he really looks familiar! Hindi ko lang maalala  kong saan ko siya nakita —nanlaki ang mata ko nang maalala ko na.

“Ikaw ‘yung...”

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang tumango, “The guy in Simon Legaspi’s birthday party?”

Nagulat ako hindi dahil kompirmadong siya nga ‘yung isa sa mga lalaking pinakilala saakin ni Shannon sa birthday ng pinsan niya. ‘Yung lalaking titig saakin. Pero paano niya nalamang iyun ang nasa isip ko. Did he remember me, too?

“I’m glad you remember me,” he smiled kaya lumabas na naman ang mga biloy sa pisngi niya, “Let me introduce myself again. I’m Miguel Caleb Scott.” pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya saakin.

Napalunok at napatitig ako sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Kalaunan, kinuha ko naman ang kamay niya at nagpakilala rin, “Alejandra Mikaela Fuentes. Pero Alejah na lang. Ayaw ko kasing tinatawag ako sa buo kong pangalan.”

“We’re the same. I hate calling me using my whole name so I prefer Miguel.”

I smiled, “Miguel, then.” ulit ko sa pangalan niya.

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon