Kabanata 13

115K 2.3K 366
                                    

Kabanata 13

Miguel

         
           
         
“Hmm, ang bango-bango naman ng baby ko.” sabi ko habang pinanggigilan kong halikan si Caleb sa leeg.

Katatapos ko lang siyang paliguan. Pinatayo ko siya sa kama para bihisan, “Wear you clothes na, baby.” inuna kong isuot sa kanya ang damit niya.

“Mommy?”

I looked at him, “Why, baby?”

“Why are Tito Zee and Daddy fighting? Is that because of me?”

Nagulat ako sa tanong niya. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Sa nangyari kanina, isang oras din bago ko napatahan si Caleb. Iyak siya nang iyak hanggang sa nakatulugan na lang niya ang pag-iyak niya. Mukhang nabigla at natakot talaga siya sa pag-aaway ni Kuya at JD kanina. Ngayon lang din niyang magawang makapagtanong kaya nagulat ako sa biglaan niyang pagpasok sa usapan.

Huminga ako nang malalim nang maka-recover ako sa tanong niya bago ko siya sinagot, “No. Hindi iyun dahil sa‘yo, okay? At huwag mo nang isipin ang bagay na iyun. You’re too young to understand what is happening,” I smiled, “And promise me, don't imitate what you saw earlier.”

He nodded, “Promise, Mommy, I'll be a good man when I grow up.”

Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya, “That’s my baby. Halika nga. Hug mo nang mahigpit na mahigpit si Mommy.” Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko. Yinakap niya ako, so I hugged him back.

Matapos ko siyang bihisan, pinatulog ko na rin siya. Agad naman siyang nakatulog dala na rin siguro nang sobrang pagod sa mga nangyari ngayon araw. Bumuntong-hininga ako saka tumayo nang masigurado kong tulog na tulog na siya.

I went to the bathroom to wash up. Matapos kong maglinis ng sarili, lumabas na rin ako ng banyo. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko, narinig kong tumunog ang ring tone ng phone ko kaya lumapit ako sa may bedside table kung saan nakapatong ito. Nang nahawakan ko na ito, saka naman namatay ang tumatawag. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang tumawag.

My eyes widened when I saw who called.

It was JD!

But why did he call? May kailangan ba siya?

Bumuntong-hininga ako at muling binitawan ang phone ko para mag-ayos. Pero habang nag-aayos ako panay ang tingin ko sa phone kong nakapatong sa bedside table. Umaasa na muli siyang tatawag pero hindi na rin nangyari ang pagtawag hanggang matapos kong ayusin ang sarili ko.

Nahiga ako sa tabi ni Caleb habang tinitingnan ang pangalan ni JD sa call history ng phone ko. Iniisip kung bakit siya biglang tumawag. May kailangan ba siya? Anong kailangan niya? O baka naman napindot lang niya? Puwede ba iyun?

Wala sa sariling nagulo ko ang buhok ko sa pag-iisip kung bakit siya tumawag.

Muli akong napatingin sa screen ng phone ko. Bumuntong-hininga ako saka ko iyun ibinalik sa bedside table at patagilid na humiga, kaharap ang anak kong kamukhang-kamukha niya.

I slightly tapped the tip of my son’s nose. Natawa ako nang marahan nang kinamot niya ito nang marahan pero hindi naman siya nagising.

“Baby, you know what?” pagkausap ko sa natutulog kong anak, “I’m so happy for you. Hindi ko akalaing magkakakilala kayo ng ama mo. Akala hindi na mangyayari iyun. Mas nawala ako ng pag-asa nung nalaman kong ikakasal na siya. I admit, baby, that I still love your daddy. Pero kagaya nuon, wala pa ring mangyayari ang pagkagusto sa kanya. We have you pero hanggang duon lang iyun. Kaya sana. Tulungan mo si Mommy. Tulungan mong makalimutan ni Mommy si Daddy dahil ayaw kong dumating sa puntong iiyak naman ako nang dahil sa kanya.”

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon