Kabanata 20

105K 2.2K 128
                                    

Kabanata 20

Office

          
            
             
Matapos nang nangyaring iyun, sa mga nagdaang mga araw, hindi na ulit dumalaw si JD sa bahay. Hindi ko alam kung may kinalaman iyun sa huling mensahe niya o talagang naging busy lang siya sa kompanya nila. Pero kung talagang busy siya, sana naman ni isang beses kamustahin man lang niya ang anak niya, ‘di ba?

I pouted on that thought.

“Mommy, kailan ulit bibisita si Daddy?” tanong ng anak ko isang araw. Napatigil ako sa pagbutones ng polo niya. Kalaunan, napahinga ako nang malalim saka ko hinaplos ang medyo basa pa niyang buhok dahil katatapos lang niyang maligo.

“I don’t know, baby.”

He pouted, “Is he busy again, Mommy? He made a promise that he’ll be back because he wants to play with me again but he didn’t.”

“I think so, baby,” mas lalo siyang sumimangot.

I don’t want to see him like this. Frowning. Kaya nang makaisip ako ng paraan para pagaanin ang loob niya, nginitian ko siya.

“Gusto mo pagkatapos nating pumunta ng church, bibisitahin natin siya sa bahay nila?”

His face lightened up because of what I said, “Yes, Mommy!”

Natawa ako nang marahan saka ko siya dinampian ng halik. After that, pumunta kami ng pamilya ko sa simbahan para magsimba. Marami akong pinagpapasalamat sa kanya. I thanked Lord for the blessings He gave to me. Hanggang ngayon nagpapasalamat pa rin ako sa Kanya sa pagbigay saakin nang pangalawang pagkakataon para makasama ang anak ko.

Matapos naming magsimba, agad akong nagpaalam kay Mommy at Kuya na pupunta kami sa bahay ni Tita Isabelle dahil gusto makita ni Caleb ang daddy niya. Okay lang naman iyun kay Mommy pero kay Kuya sinungitan na naman ako.

“Do what you want.” he said before he walked out.

Nailing-iling ako habang sinusundan ng tingin ang kapatid ko. Napabaling lang ako kay Mommy nang tapikin niya ang balikat ko.

Nginitian niya ako nang tipid, “Ako na ang bahala sa kapatid mo. Basta ingat kayo ng apo ko, ha? Send my regards to your Tita Isabelle.”

Hinaplos niya pa ang pisngi ko at beneso ako saka niya hinarap ang anak ko para magpaalam.

Excited na excited si Caleb na muling sumakay sa kotse ko. Hindi nawawala ang ngiti ko dahil sa kanya. Pero hindi ko rin maiwasang kabahan lalo na kapag naiisip kong makikita ko siya. Ang daming what ifs sa isipan ko. Isa na doon kung.. Paano kung hanggang ngayon galit pa rin siya saakin at ayaw niya akong makita kaya hindi rin siya pumupunta sa bahay? Ayaw ko sanang pumunta sa bahay nila pero ayaw ko namang sirain ang mood ng anak ko.

Hindi nagtagal, nakarating na rin kami sa tapat ng bahay nila. Hindi ko pa man naalis ang seatbelt ko, binuksan na ni Caleb ang pinto saka excited na tumakbo papasok sa bahay nina Tita Isabelle. Nailing na lang ako saka ako bumaba na rin ng kotse para sundan siya.

Pagpasok ko sa bahay nila, nakita ko ang nakangiting si Tita Isabelle na halatang giliw na giliw na nakaupo sa harapan ng anak kong masayang nagkukwento.

“... and I prayed.” naabutan kong kwento ng anak ko kay Tita Isabelle.

“Ano namang ipinagdasal mo?”

“That I thanked Him for giving Mommy and Daddy...”

Habang masayang nagkukwentuhan ang mag-lola, gumala ang mata ko sa loob ng bahay. Umaasang makikita ko siya pero wala siya. Hindi ko alam kung wala talaga siya rito sa bahay o nandito siya pero ayaw lang niya kaming salubungin.

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon