Kabanata 26

97.8K 1.6K 33
                                    

Kabanata 26

Fell

             
             
              
Jared:

Good morning, baby. How's your sleep? I want to see you badly but I have a meeting to attend this morning. Let's just have a dinner tonight, okay? Take care!

Napangiti ako nang message agad ni JD ang bumungad saakin isang umaga. Ganito siya lagi. Habang lumilipas ang araw, mas nagiging sweet siya, kahit sa simpleng text message lang. Walang araw na hindi niya nakakalimutang tumawag o mag-message.  Hindi ko itatangging masaya ako sa relasyong meron kami ngayon.

JD has been busy these past few days in his office so we rarely meet. Lagi siyang nasa office nitong mga nakaraan kaya madalas sa text at call lang kami nagkakausap. I'm fine with that. Gumagawa naman siya ng paraan para makabawi. At tsaka, para naman iyun sa kompanya nila. Hindi ko na alam kung ilang beses ko na siyang natanong tungkol sa status ng kompanya nila o kung may problema ba, pero hindi niya sinasabi, ngunit alam kong meron. Hindi na lang ako nanghimasok dahil ayaw kong iyun pa ang panimulan ng away namin.

Ako:

Okay. Take care of yourself, too. Good luck in your meeting.

Matapos kong i-send iyun, umunat ako saka bumangon na. Naghilamos ako sandali saka ako nagdesisyong bumaba na.

Nadatnan ko ang anak ko sa dining room kasama ang kapatid ko. Sabay silang nag-aalmusal. My mom? I don't know. Madalas naman, nauuna siyang umalis dahil nga malayo ang restaurant niya.

“Good morning.” I greeted them both and sat next to my son who's busy eating his breakfast.

“Busy again?” tanong ni Kuya. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya para sagutin ang tanong niya, nakataas siya ng kilay saakin.

Tumango ako kapagkuwan. Kahit hindi naman niya tukuyin ang ibig niyang sabihin, alam ko na iyun. He always asking me that.

“Yes, Kuya. Sabi niya may meeting daw siya.” I shrugged saka ko inasekaso ang anak kong busy sa pagkain.

He sneered, “And you believe it?”

Muli akong napaangat ng tingin kay Kuya. Kinunutan ko siya ng noo, “What do you mean by that, Kuya?”

I don't know what's with my brother. Akala ko okay na siya kay JD, pero nitong mga nakaraan parang gumagawa ito ng paraan mawala ang tiwala ko kay JD. Pero hindi naman ako natitinag sa kanya. Wala naman akong dapat ikawalang tiwala kay JD.

Mataman niya akong tiningnan, “I heard his ex-fiancee is back.”

Napalunok ako at hindi nagsalita.

Nitong mga nakaraan biglang nawala sa isip ko si Cyndie. Magtatatlong linggo na rin pala noong nakabalik siya. Iyon ang una at huling kita ko sa kanya matapos nang mangyari ang eskandalong ginawa ko sa kasal nila ni JD. Simula nun wala na akong balita sa kanya. Hindi ko alam kung nasaan siya. I never asked JD about her.

Tumikhim ako kapagkuwan, “Yes, Kuya. Actually, we talked last time.”

“And?”

“Siyempre, Kuya, she’s mad.”

Humalakhak si Kuya at mataman akong tiningnan, “Who wouldn't? Alejah, you ruined their wedding.”

Napasimangot ako sa sinabi ni Kuya, “Alam ko iyun, Kuya. Tanggap ko ang galit niya dahil may kasalanan din naman talaga ako. Pero alam mo namang ginawa ko lamang iyun dahil sa anak ko.”

Hindi agad nakasagot si Kuya sa sinabi ko. Napasulyap siya sa anak kong abala sa pagkain saka muli nitong ibinalik ang tingin saakin.

“What if Sanmiego wants to continue their wedding? What if he wants Cyndie back? Or Cyndie wants him back?”

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon