Wakas
Alejah.Alejah is like a dream that's hard to reach. Isang pangarap na paghihirapan mo muna bago maabot. Tulad ng pangarap ko, ganun din ginawa ko sa kanya. Pinaghirapan ko muna bago siya tuluyang napasaakin.
Mula nang bumalik siya, four years ago, wala akong ibang hinangad kundi ang maging akin siya... officially. Wala akong ibang hinangad kundi ang makasal sa kanya. Makasama siya at bubuo ng sariling pamilya. Siya, ang anak namin at ako.
But shit things happened. She left again. And now, she's here now. She'll be my wife now... officially.
Until now, I still couldn't believe that after nine years of waiting for her, she's finally will be mine.. officially. Hindi ko pa rin akalain na ilang oras na lang matatawag ko na talaga siyang asawa ko. Finally.
Kaso, pakiramdam ko, pinagpapawisan ako nang malamig habang hindi ako mapakaling panay ang tingin sa pinto ng simbahan.
I glanced at my wrist watch to check what the time is. I cursed on my thought when I saw what time already it is. Dalawang oras na lang bago magsisimula ang kasal naming dalawa. Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako at ang daming what ifs na pumapasok sa isipan ko.
Ilang sandali, naramdaman kong may pumatong na kamay sa balikat ko kaya napalingon ako sa likuran ko. I saw Ares, one of my best man. He chuckled.
"'Wag ka namang magpahalata. Halatang-halatang kinakabahan ka, 'e." pang-aasar niya.
I glared at him, "Fuck you."
He just chuckled, "Amen." he said, "But seriously, bro. Ganyan din ako nang ikasal kami ni Venise. But trust me, if you see her wearing her dream wedding gown walking in the aisle, mawawala lahat ng kaba mo at mapapalitan ng excitement."
"Paano kung hindi siya dumating?" I asked, a bit worried and paranoid.
"Sa tingin mo, sa lahat ng pinagdaanan niyo, ngayon pa ba siya hindi darating? And you're just being paranoid. Darating siya."
Tumango-tango ako. Pero napabuga ako nang malalim na hininga mayamaya.
He was right. Darating siya. At hindi ako papayag na matapos ang araw na itong hindi ako nakakasal sa kanya. Hindi ako papayag na matapos ang araw na itong hindi ko siya natatali saakin.
Hindi ako naghintay sa'yo nang ganun katagal para lang sa wala, Alejah. Kaya kung may balak kang umatras, hindi kita papayagan. Kung kinakailangan hilahin kita papunta sa harap ng altar, gagawin ko. Hindi lang matapos ang araw na itong hindi ka natatali saakin.
Muli kong iginala ang mata ko sa loob ng simbahan. Isa-isa nang dumadating ang bisita at sasaksi sa pang-iisang dibdib naming dalawa. Ang iba, dumidiretso saakin para i-congratulate ako. I just thanked them. Hanggang sa lumipad ang mata ko sa mga kaibigan kong nag-uusap kasama ang mga babaeng mahahalaga sa kanila. Should I say, minamahal nila.
I chuckled.
Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa ring akalain na pareho-pareho kaming nahulog sa patibong ng pag-ibig. Akala ko noon wala nang babaeng makapagpapatino saamin. Pero akala ko lang pala iyun.
Dahil simula nang makilala ko siya, nagbago ang lahat. My hobbies, my beliefs and my feelings. Pero sabi ko nga, si Alejah ay parang isang pangarap na kailangan paghirapan. At dahil pangarap siya, maraming mga hadlang sa pag-abot ko sa kanya. Like her brother, the number one villain of our story.
But I couldn't blame Zyrel. Alam ko kasing prinsesa ang turing sa kapatid niya kaya ayaw niya itong mapunta sa gagong katulad ko.
Muling bumalik sa isip ko ang alaala ng nakaraan. Kung paanong ang simpleng paghanga ko sa kanya ay nauwi sa matinding pagmamahal.
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...