Kabanata 3

113K 2K 322
                                    

Kabanata 3

Accident

           
            

“Careful, baby.” sabi ko nang patakbo siyang lumabas ng room.

Nailing na lang ako nang hindi siya nakinig. Habang tumatagal lalo talaga siyang nagiging makulit. Agad din naman siyang sinundan ni Demy. Bumuntong-hininga ako saka ako sumunod sa kanila.

Nadatnan ko sila sa living room. Tuwang-tuwa si Caleb habang may binabalita na kung ano kay Mommy. Si Mommy naman, tuwang-tuwa rin na nakikinig sa kwento nito na parang interesadong-interesado ito.

Nawala rin pansamantala ang atensyon ko kay Caleb dahil nakuha ng suot ni Mommy ang atensyon ko. She’s wearing elegant white dress . May mga alahas din siyang suot. Bago pa ako makapagtanong, bigla kong naalala.

JD’s wedding today!

Tipid akong napangiti. Ang bilis ng araw. Parang kailan lang nung nalaman kong ikakasal na siya.

Bumuntong-hininga ako saktong napatingin saakin si Mommy. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako pabalik saka ako lumapit sa kanya.

“Mom, good morning.” I kissed her cheek.

“Good morning, too. Are you sure you’re not coming with us? Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?”

Makailang beses na niya akong niyaya nitong mga nakaraang araw. Binilhan pa nga niya ako ng damit na katulad sa kanya, in case daw. Pero makailang beses na rin akong tumanggi.

Umiling ako, “Hindi na, Mom. Ihahatid ko pa po kasi si Caleb sa school at may usapan kami ni Shannon ngayong araw.” pagdadahilan ko. Actually, wala kaming usapan ni Shannon. Yayayain ko na lang siya mamaya para mapanindigan ko naman ang pagsisinungaling ko.

Kita ko sa mata ni Mommy ang panghihinayang. She really wants me to come with them but I can't.

“I’m sorry, Mom.”

Napatingin lang ako sa hagdan nang makita ko si Kuya na nakasimangot na bumaba mula rito. Napangiti ako nang malaki nang makita kong gaano ka-gwapo ang kapatid ko sa kanyang suot. Ang alam ko, he's JD’s best man.

Sinalubong ko siya, “Ang gwapo-gwapo mo, Kuya! Kung hindi kita kilala iisipin kong ikaw ‘yung ikakasal, ‘e.”

Mas lalo siyang sumimangot dahil sa sinabi ko na ikinatawa ko.

“That will never happen. Tss.”

“What do you mean by that, Zyrel?” si Mommy nang marinig ang sinabi ni Kuya.

“Nothing, Ma,” ikinatawa ko na lang ang kasupladuhan ni Kuya saka bumaling saakin, “Ayusin mo na nga lang ‘to, Princess.” tinuro niya ang bowtie niya. Ngumiti pa siya saakin na parang naglalambing. Natawa na lang ako at naiiling na lumapit sa kanya.

Masaya talaga akong nagkaayos na kami at parang kailan lang nangyari ‘yun. Isa ito sa mga na-miss ko sa kanya, ‘e. Ang paglalambing niya.

Inayos ko ang bowtie niya gaya ng sinabi niya.

“What do you mean, kuya, hindi ka magpapakasal?” bulong ko sa kanya habang inaayos ko ang tie niya. Sinulyapan ko si Mommy na mukhang hindi naman nakikinig dahil abala ito sa pagtingin sa sarili sa salamin.

“Tss. Marriage sucks, Princess.”

Nginusuan ko siya, “Kung ganun, wala ka pang sineseryosong babae? Wala ka pang girlfriend?”

“I don’t do girlfriend, Princess. Just fling,” mas lalo akong napanguso. Hindi parin pala siya nagbabago. Gaya pa rin siya nang dati. Fling. “By the way. Hindi ka ba talaga sasama saamin?”

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon