Kabanata 39

79.2K 1.2K 66
                                    

Kabanata 39

Stares

         
            
             
                 
                 
Lumipas ang araw at ganun lang nang ganun ang ginagawa ko. Patuloy ang ginagawa kong pag-iwas sa ama ng anak ko. Sa tuwing susunduin niya si Caleb, hindi ako umaalis sa kwarto ko. Lumalabas lang ako kapag alam ko nang nakaalis na sila.

Alam kong katangahan ang ginagawa kong pag-iwas. Dahil nangako ako nuon sa sarili ko na handa na akong harapin ang hindi ko maharap dati, kasama siya ruon. Pero ewan ko ba. Sa tuwing alam kong nasa malapit lang siya, bigla na lang naghuhumirintado ang puso ko na mas kinaiirita ko.

Hindi ko dapat nararamdaman ang ganuon. Hindi na dapat tumitibok ang puso ko nang ganun dahil sa kanya. Bukod sa mali, dahil may asawa na siya, ay ayaw ko lang talagang maramdaman ito. Ayaw ko nang maulit ang dati. Ayaw ko nang masaktan tulad nang dati.

"Good morning!" bati ko kay Tita Conny isang umaga nang madatnan ko siya sa sala na nilalaro-laro si baby Bianca.

Wala nang tao sa bahay maliban sa kanila at sa mga kasambahay. Si Mommy at si Kuya kasi maaga silang umaalis para pumasok sa opisina. Samantala si Caleb, sa bahay ng daddy niya natulog. Sinabihan ako ni Kuya kagabi na duon muna raw matutulog si Caleb sa bahay ng ama niya.

Mukhang maayos na ang relasyon ni Kuya at JD. Mukhang in good terms na ulit sila ngayon. Mukhang nakalimot na si Kuya sa nangyari nuon. Kung paano nangyari? Hindi ko alam. Well, I don’t mind. Ito naman ang gusto ko nuon at laging hinihiling kay Kuya, ‘e. Ang bumalik ang pagkakaibigan nila.

"Hi, baby Bianca. Good morning!" pinanggigilan ko na naman ang pisngi ng bata kong pinsan, "Grabe ang cute-cute mo talaga. Sana akin ka na lang."

"Mag-asawa ka na rin kasi." sabi ni Tita Conny, "At mag-anak ka ng babae para hindi ka na manggigil sa anak ko."

"Ayoko po, Tita. At saka, nakapagdesisyon na ako. Hindi ako mag-aasawa, tatanda akong dalaga. Tutal andiyan naman si Caleb at kuntento na ako sa kanya." biro ko, na medyo may halong katotohanan.

At mukhang seneryoso yata ni Tita Conny ang sinabi ko. Bigla niya akong pinalo sa binti kaya napadaing ako nang mahina.

"Tigilan mo ako, Alejah!"

Natawa na lang ako sa seryosong ekspresyon ng mukha niya.

Para ko na ring pangalawang nanay si Tita Conny. Palagi siyang andiyan noong panahong nasasaktan ako. Kahit lagi niya ako nun pinagsasabihan, alam ko namang nag-aalala siya saakin kaya masaya akong nakaruon ako ng auntie na katulad niya.

"Jogging ka?" pag-iba niya ng usapan. Napansin yata niya ang suot kong racerback at leggings saka rubbershoes, may ruber band din ako sa braso ko.

I nodded, "Opo, Tita. Pakiramdam ko kasi tumataba na ako ulit." nakanguso kong sabi habang hinahaplos ang tiyan ko.

She pouted, "Sayang. I want to go with you but I don't wanna leave my little angel here." she said as she kissed Bianca's chubby cheek.

I just smiled. Nuon kasi sa states lagi kaming magkasamang mag-ehersisyo. Madalas kaming mag-gym nuong hindi pa siya nakakapag-asawa.

Later on, nagdesisyon na rin akong magpaalam, "Sige po, Tita. I have to go. Ba-bye, baby Bianca."

Ni-kiss ko silang pareho saka ako tuluyang lumabas ng bahay.

Pagdating ko sa labas ng gate, tumigil ako sandali. Inilagay ko ang headset sa tainga ko saka ako nag-stretching muna bago ako nagsimulang tumakbo nang mabagal.

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon