Kabanata 6
Forget
Nagising na lang ako nang marinig ko ang boses ng driver. Kahit gustong-gusto ko pang matulog pinilit kong imulat ang mata ko."Miss, nandito na tayo. Bumaba ka na."
I groaned.
Nagawa ko pa siyang bigyan ng pamasahe saka ako bumaba ng taxi. Muntik pa nga akong napasubsob buti na lang agad akong nakabawi. Nang makaalis ang taxi, napatingin ako sa building na nasa harapan ko.
Ilang sandali, walang pag-alinlangan akong lumakad papalapit sa building. Nang makapasok ako, agad akong sumakay ng elevator at pinindot ang button kung nasaan ang unit niya. Hindi nagtagal, nakarating narin ako sa floor kung nasan ang unit niya na agad kong pinuntahan. Hanggang sa huminto ako sa tapat ng condo unit niya.
Paano ko nalaman ang unit niya? Minsan na kasi akong isinama ni Kuya rito. Pero hindi ko alam kung ba't ako dinala ng mga paa ko rito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at dito ko naisipang pumunta pero siguro epekto na rin ng alak na nainom ko.
Nasapo ko ang noo ko nang maramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko. Napahawak pa ako sa pinto ng condo niya para hindi ako tuluyang mabuwal sa kinatatayuan ko.
Nang medyo um-okay na ang paningin ko, tumayo ako nang maayos. Napatingin ako sa doorbell ng condo niya.
Hindi ko alam kung ba't bigla na naman akong naging emosyonal nang maalala ko ang tungkol sa kanila ni Cyndie. I cried. May tumulak saakin na pihitin 'yun. Siguro epekto na rin ng alak kaya nagawa kong magsisigaw habang patuloy kong pinipihit ang doorbell.
"JD, open this door! I want to talk to you!"
Makalipas ang ilang segundo, biglang bumukas ang pinto.
"Damn. Who the fuck—Alejah?"
Bumungad saakin ang iritadong mukha ng mahal na mahal kong lalaking si JD na halatang galing sa mahimbing na tulog. Pero ang iritadong ekspresyon ng mukha niya ay napalitan ng gulat nang mapagtanto kung sino ang kaharap niya.
"Ako nga." tipid akong ngumiti kahit naiiyak ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Damn. Bakit ba ako emosyonal? And I can't help it.
"W-what are you doing here? May kasama ka ba?" tumingin pa siya sa paligid para tingnan kung may kasama ako pero nang makompirama niyang nag-iisa lang ako, muli niyang ibinalik ang tingin saakin. "Ikaw lang ba mag-isa and.." lumapit siya saakin at inamoy ang bibig ko, "..are you drunk?"
"Hindi ako lasing!" I shouted. Napapikit-pikit pa ako sa panghihilong nararamdaman ko pero pinipilit kong imulat ang mata ko.
Pinalis ko ang panibagong luhang lumabas sa mata ko. Muli kong nakita sa mga mata niya ang pagkagulat. Mas lalo siyang lumapit saakin at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Kita ko sa mata niya ang pag-alala.
"Why are you crying, Alejah? Bakit ka naglasing? Naglayas ka ba sa inyo? Nag-away ba kayo ng Kuya mo, ha?" sunod-sunod niyang tanong. Panay naman ang iling ko sa kanya. Kumawala ako sa pagkakahawak niya na ikinagulat na naman niya.
"Don't act like you're my brother. 'Wag kang mag-alala na parang nag-alala ka lang sa isang nakababata mong kapatid kasi masakit 'e. Masakit." tinuro ko pa ang puso ko.
Kumunot ang noo niya. Halatang gulong-gulo siya sa mga pinagsasabi ko. Maging ako naguguluhan. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin 'yun sa kanya.
"What are you saying, Alejah? Halika na, ihahatid na kita sa inyo. Lasing ka 'e. Kung ano-anong pinagsasabi mo."
Akmang hahawakan niya ako nang tabigin ko ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...