Kabanata 7
Positive
Napakurap ako mula sa pagkatulala ko nang marinig ko ang malakas na pagtikhim ni Shannon. Napabaling ako sa kanya.“Don’t look at them, you’ll just get hurt.”
I apologetically smiled, “Sorry.”
Bumaling siya kung saan ako nakatulalang nakatingin kanina. Nakita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa kutsara at tinidor na hawak.
“Nakakagigil. Sarap saksakin ng kutsara. He even managed to smile after what he did, huh.” she even gritting her teeth in so much annoyance.
Mula kinauupuan namin ni Shannon, nakikita ko si JD, kasama si Cyndie na parang may sariling mundo. Sinusubuan pa ni Cyndie ng pagkain na agad namang tinatanggap ni JD.
I sighed.
Mag-iisang buwan na rin mula nang nangyari saamin. Ginawa ko ang sinabi ni Shannon at ganun din ang gusto ni JD. Pinilit kong kalimutan ang nangyari sa pagitan namin. Pero sa totoo lang, hindi naman ganun kadali iyun. Lalo na’t walang araw na tulad nito, hindi ko nakikita si JD. Pero gusto ko talagang kalimutan ang nangyari dahil tama si Shannon, hindi ako mahalaga kay JD. Wala lang sa kanya ang nangyaring iyun.
Pinipilit ko rin ang sarili kong iwasan siya hangga’t maari. May pagkakataon ngang pumupunta sila sa bahay, nagkakukulong na lang ako sa kwarto at hindi nagpapakita sa kanila.
“At ikaw naman...”
Naputol ang pag-iisip ko nang ibaling saakin ni Shannon ang masamang titig.
“‘Di ba sinabi ko sa’yo to stop being so obsessed with that guy. He’s not healthy for you.”
I sighed, “Ginagawa ko naman ang lahat, Shannon. Alam mo ‘yan.”
Unti-unting napawi ang iritasyon sa mukha niya. Napalitan ito ng pagkahabag.
“Alejah, you really —Hey, what’s happening to you?” napatayo siya nang bigla akong napahawak sa ulo ko.
Tiningala ko siya, “S-Shannon, nahihilo ako...” I stopped talking for a moment when I felt the sudden flipping of my stomach, “I think I’m going to puke.”
Tumakbo ako palabas ng cafeteria dahil naramdaman kong hindi ko na kakayanin ang pagduduwal ko. Dumiretso ako sa restroom at duon ko hinayaan ang sarili kong ilabas lahat ng kinain ko.
Halos maiyak ako sa dami ng naisuka ko. Nailabas ko yata lahat ng kinain ko dahil wala na akong mailabas, tubig na lang, kaya halos manghina ako.
“Alejah!”
Narinig ko ang pagkalampag ni Shannon sa pinto ng cubicle na kinaruruonan ko.
“Alejah, are you there?”
Huminga ako nang malalim at pilit kong tumayo kahit nanghihina ako sa pagduduwal ko. Pinagbuksan ko ang nag-aalalang si Shannon.
“A-ayos lang ako, Shannon.”
“Ayos? Tingnan mo nga ang sarili mo, namumutla ka. May sakit ka ba?” she even put her palm in my forehead.
Natawa ako saka ko pinalis ang kamay niya, “Ayos lang talaga ako, Shannon. May pagkain lang siguro akong nakaing hindi kinaya ng sikmura ko.”
She is still not convinced of what I said but I smiled again to assure her that I’m really okay bago ko siya nilagpasan.
“Did Jared use protection when you two do it?”
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...