Kabanata 33

70.8K 1K 29
                                    

Kabanata 33

Trust

     
      
     
Hanggang sa pagkagising ko kinabukasan, ang reaksyon pa rin ni JD kagabi ang pumasok sa isipan ko.

Ipinilig ko ang ulo ko matapos nang ilang sandali pag-alala sa reaksyon ni JD kagabi, "No, Alejah. Natural lang iyun. It's his personal thing." napanguso rin ako kapagkuwan nang may ma-realize ako. But I'm his fiancee.

Muli kong ipinilig ang ulo ko at bumangon na sa higaan. Matapos kong gawin ang morning routine ko, bumaba na rin ako. Nadatnan ko si Caleb sa dining room na mag-isang nag-aalmusal, nakapagbihis na rin ito ng uniform niya para sa school.

Mula nang makabalik siya sa eskwelahan, mas nauuna na siyang magising saakin. Si Ate Lena ang taga-gising sa kanya.

"Good morning, baby." I kissed his cheek and sat down next to him.

"Good morning, too, Mommy." he greeted back as he eating his bacon.

"Wala akong gagawin ngayon kaya ako ang maghahatid sa'yo sa school." sabi ko habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.

Napabaling siya saakin, "How about dad? He won't pick me up?"

Dahil sa pagbanggit niya sa daddy niya bigla ko na namang naalala ang reaksyon nito kagabi kaya hindi agad ako nakasagot sa tanong ng anak ko. Pero kapagkuwan, ipinilig ko ang ulo ko at pilit na iwinaglit ang pag-iisip ko tungkol duon.

Bumuntong-hininga ako at muling binalingan ang anak ko, "No.. he's busy."

He frowned, "Why is dad always busy? We can't even play anymore because he's always busy. Is it really that hard to work, Mommy? If that's the case, I don't want to grow up anymore. I just want to be a kid forever and play and play and play."

Hindi ko napigilan ang halakhak ko dahil sa sinabi ng anak ko, "But it will happen. Darating ang araw na lalaki ka rin. You'll work, get married and have a kids too,"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko, halatang hindi niya makuha kaya hinaplos ko ang buhok niya.

"For now, hindi mo pa maintindihan ang sinasabi ko. Pero kapag dumating ang araw na malaki ka na, maiintindihan mo na rin."

Tumango naman siya kaya ngumiti na rin ako.

Nagpatuloy kami sa pagkain ng almusal. Matapos naming mag-almusal, tulad ng sabi ko, ako ang naghatid sa kanya sa school. Pagkahatid ko sa kanya sa school, agad din naman akong umuwi sa bahay dahil wala na naman akong pupuntahan o gagawin pa.

I messaged Shannon when I got bored at home but she's busy too. May mahalaga raw siyang gagawin.

Shannon:

Kung nabuburyo ka, huwag ako kulitin mo. 'Yung fiance mo na lang. Puntahan mo kaya sa opisina, isurprisa mo. Malay mo may babae iyun duon. 'Di ba iyun 'yung nababasa ko sa Romance stories? Sa opisina ang madalas tagpuan ng mga kabit!

Napairap ako sa sinabi ni Shannon.

Ako:

JD won't do that to me, Shannon.

Shannon:

Okay. Sabi mo, 'e. Anyway, stop replying. I'm on a date.

Date? Napakunot ang noo ko sa huling reply nito. Nakikipag-date siya? Napanguso ako. Wala naman siyang ikukwento, maliban na lang kung...

Mabilis ulit akong nagtipa ng mensahe para i-message pa ang isang taong pinaghihinalaan kong kasama ni Shannon ngayon.

Ako:

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon