Kabanata 19

110K 1.9K 148
                                    

Kabanata 19

Lied

       
          
         
Kinaumagahan, pagkagising na pagkagising ko agad kong tiningnan ang phone ko. Hindi ko alam kung ba’t ganun na lang ako umaasa na may mensahe galing sa kanya kaya ganun na lang ang pagkadismaya ko nang makitang walang mensahe mula sa kanya.

Then I remember what just happened last night. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko nang maalala ko ang halik. Hanggang sa naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko lalo na nang maalala ko ang pagtawag niya saaking 'baby'.

Oh my God. Wala lang naman saakin kapag tinatawag akong ganun ni Miguel, pero ba’t kay JD, ang lakas ng epekto saakin?

Wala sa sariling nagulo ko ang buhok ko sa inis na nararamdaman.

Inis nga ba, Alejah? Aminin mo nagustuhan mo rin.

Gustong-gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pinagsasabi ng kabilang parte ng utak ko. Damn. Mababaliw na yata ako. Kainis.

Nawala lang ang pag-iisip ko tungkol sa bagay na iyun nang makita ko ang unti-unting paggising ni Caleb. Humihikab pa itong nagmulat ng mata na kinusot-kusot niya. Itinabi ko muna ang phone ko saka ko siya binati.

“Good morning, baby.” I said as I gently kissed his forehead.

“Good morning din po, Mommy.” sabi niya gamit ang antok niyang boses saka siya naglalambing na yumakap sa leeg ko na nakapagpangiti saakin. Unti-unti ko siyang binangon habang nanatili siyang nakayakap sa leeg ko hanggang sa makaupo siya sa kandungan ko.

“What do you want for breakfast, baby?” I asked him, caressing his hair.

“I want bacon, egg, hotdog, sandwich and chocolate milk, Mommy.”

I chuckled as I pinched his nose and kissed it, “Ang dami namang gusto ng baby ko.” I said saka ako tumayo habang buhat-buhat siyang nakayakap sa leeg ko.

Lumabas kami ng kwarto na hindi man lang tinitingnan ang sarili ko sa salamin o nakapaghilamos man lang. Okay lang. Kami lang naman dito sa bahay.

Panay ang tawanan namin dahil pinanggigilan kong halikan ang pisngi niya.

Pero nasa pinto palang ako ng kitchen namin, napawi na ang tawa ko at parang gusto kong bumalik sa kwarto namin at mag-ayos dahil sa gulat ko sa taong nadatnan namin sa kusina. Nakatalikod siya dahil abala siya sa pagluluto kaya hindi pa niya kami napansin. Pero dahil sa makulit kong anak, nakuha niya ang atensyon nito.

“Daddy!” masayang bati ni Caleb sa kanya.

Lumingon siya saamin na may ngiti sa labi. Napalunok ako nang sumulyap siya saakin. Medyo nakahinga lang ako nang maluwag nang muli niyang binalingan ang anak ko.

“Good morning, son.”

Shit. Anong ginagawa niya rito nang ganito kaaga? At bakit siya nagluluto? Where's my mom?

Napaatras ako nang isang hakbang nang lumapit siya saamin para kunin ang anak kong karga ko. Napapikit ako nang magdikit na naman ang balat namin dahil sa pagkuha niya kay Caleb pero parang wala lang iyun sa kanya. Matapos niyang kunin si Caleb na tuwang-tuwa, inupo niya ito sa island counter at nakangiting ginulo ang buhok nito.

Napanguso ako dahil dun.

Napapitlag lang ako sa gulat nang bigla kong narinig na magsalita ang bago naming katulong galing sa likuran ko.

“Naku, Ma’am. Anong nangyari sa buhok niyo? Parang pugad ng ibon. Kakahiya kay Sir Pogi. Hindi niyo man lang naisipang magsuklay?”

Humagikhik pa ang maid naming si Ate Mina matapos sabihin iyun. Sesantehin ko kaya ‘to?

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon