Kabanata 9
Daddy
My poor baby.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang pinagmamasdan ko ang anak kong puro bandage ang katawan at walang malay na nakahiga.
Doctor assured me that Caleb will be fine, pero hindi ko pa rin mapigilang makaramdam ng pagkahabag lalo na’t nakikita ko ang anak ko sa ganitong kalagayan. Kung puwede lang ilipat lahat ng mga sugat at tahi niya sa katawan, ginawa ko na.
Pinalis ko ang luhang lumandas sa pisngi ko bago ko hinawakan ang kamay niyang may benda rin, “Baby, wake up already. Mommy is here. I’m sorry. Hindi ka nabantayan ni Mommy. I’m sorry, baby.”
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya mabilis kong pinalis ang luha ko. Sunod kong narinig ang pamilyar na boses ni Shannon.
“Alejah..”
Nakangiti ko siyang binalingan. Napawi lang ang ngiti ko at nagulat ako nang makita ang mga hindi ko inaasahang taong makikita kong nasa likuran ni Shannon.
Si Mommy ang unang lumapit saakin at binigyan agad ako nang mahigpit na yakap.
“You made me worried.” narinig kong sabi ni Mommy pero nanatili ang mga mata ko sa dalawang taong nasa harapan ko.
It’s JD’s mom and dad!
Hindi ko mapigilang mapatingin pa sa likuran ng mga ito, nagbabakasakaling may iba pa silang kasama, pero wala. JD isn’t here.
Napabuntong-hininga ako. Come on, Alejah. Naibigay na niya ang kailangan mo sa kanya kaya hindi na ‘yun magpapakita.
Pero hindi man lang ba niya kakamustahin ang kalagayan ng... anak namin?
Pasekreto kong ipinilig ang ulo ko sa kung anu-anong pumapasok sa isipan ko.
Napahiwalay ng yakap saakin si Mommy nang biglang tumikhim ang Daddy ni Jared na kamukhang-kamukha niya. Magiging ang pagiging seryoso at supladong awra ni JD nakuha niya yata dito.
"Ah anyway, honey,” si Mommy, “This is France and Isabelle Sanmiego. Jared's mom and dad," pagpakilala ni Mommy sa kanila bago ako nito iminuwestra sa mag-asawa, "This is my daughter and Caleb's mom, Alejah."
Nag-aalangan akong ngumiti at tumango sa kanila, “H-hello po.”
JD's mom smiled at me, “It’s nice meeting you, hija. I’m Jared’s mom.” naglahad pa ito ng kamay kaya wala akong nagawa kundi ang tanggapin ito.
“Nice meeting you rin po.”
Ganun din naman ang ginawa ng Daddy ni JD mayamaya.
Nagtagal pa ang mommy at daddy ni JD sa kwartong kinaruruonan namin. Inaasahan kong aalis din sila kaagad matapos nilang magpakilala at tingnan ang kalagayan ng anak ko, pero hindi. Kaya naman, kanina pa ako pa-sekretong sinisiko ni Shannon habang pinapanuod naming nag-uusap si Mommy at ang mga magulang ni JD habang pinagmamasdan ng mga ito ang anak ko.
“What do you think?”
Kunot noo kong binalingan si Shannon, “Ha?” kanina pa siya may binulong-bulong saaking hindi ko naman makuha.
Inikutan niya ako ng mata. Magsasalita pa sana ulit siya pero muli rin niyang naitikom ang bibig at may nginuso sa harapan ko. Kaya napabaling ako rito. Napalunok ako nang makitang nasa harapan ko na ang nakangiting mommy ni JD.
"Can I talk to you in private, hija?"
"Po?" nagulat ako sa tanong nito. Hanggang sa unti-unti akong makaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan pa namin, kahit may ideya na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/148631183-288-k597659.jpg)
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...