Kabanata 45

85K 1.3K 19
                                    

Kabanata 45

House

            
            
              
  
          
Nang magising ako, napatitig ako sa kesame. Dejavu lang. Pero kung kanina, iniisip kong panaginip o hindi totoo ang nangyari, ngayon, alam kong totoo ang nangyari! Totoong may nangyari saamin! Oh my God!

Hindi ko na siya na nadatnan pagkagising ko. May suot na rin akong long sleeve polo. Hindi ito ‘yung suot ko kanina dahil naalala ko, nasira iyun dahil sa karahasan niya. Pero tulad din ito ng suot ko kanina. Iba nga lang ang kulay. I'm wearing white long sleeve polo now.

I don’t know where he is now. Pero hindi naman siguro siya umalis, ‘di ba? Hindi naman siguro niya ako iniwan dito.

Bigla kong naalala ang nangyari nine years ago. When he pushed me away after what happened between us. Dito mismo iyun sa kwarto na iyun. He said he regretted it? He said if he just knew that he got me pregnant, eighteen pa lang ako, pinakasalan na niya ako? Kung ganun, totoong noon palang, mahal na niya ako?

I cupped my face nang maramdaman ko ang pag-iinit nito sa iniisip ko. Bahagya lang napakunot ang noo ko nang may maramdaman akong lamig sa pisngi ko.

Tiningnan ko ang kaliwang kamay ko. Nanlaki ang mata ko kung anong nakita kong nakasuot sa ring finger ko. Ang ring!

Hindi ito katulad ng singsing na binigay niya saakin nuon. Kung noon, oval cut ‘yung ibinigay niya saakin, ngayon, the ring is a pear cut.

Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko at panunubig ng mata ko habang tinititigan ang singsing sa daliri ko.

Is this really happening? Matutuloy na ba talaga ang kasal namin?

Mabilis kong pinalis ang butil ng luhang lumandas sa pisngi ko saka bumaba sa kama. I want to see him. Kaya naman, lumabas ako sa kwarto niya para hanapin siya.

Hanggang sa matagpuan ko siya sa kusina. Hindi ako agad pumasok kaagad. Pinapanuod ko lang siyang may kung anong niluluto habang may kausap sa cellphone niyang nakatapat sa tainga niya.

“We will pick you up later there, okay? I miss you too and I know your mom missed you too already,” he chuckled, “Yes, I’ll tell her.”

Bumuntong-hininga ako at papasok na sana para disturbuhin ang pakikipag-usap niya sa anak namin nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell ng condo niya.

Nang muli kong tingnan si JD, nanatili siyang nakikipag-usap sa anak namin kaya naman bumuntong-hininga ako at sa halip na pumasok sa kusina, nilakad ko na lang ang pinto.

Pagdating ko ruon, agad kong binuksan iyun.

“Anong —”

Naputol ang ibang salita ko sa gulat nang bumungad saakin ang taong hindi ko inaasahan. Maging siya nanlaki rin ang mata sa gulat.

“Ma’am Alejah!” sabi niya nang makabawi siya sa gulat.

“Nikka,” ngumiti ako sa kanya saka ko nilakihan ang awang ng pinto, “Pasok ka.”

Ginawa niya ang sinabi ko. Pumasok siya habang nagsasalita. Bakas sa mukha niya ang saya at galak.

“Totoo nga ang sinasabi ni Sir Jared na nakabalik ka na! Kung hindi pa niya ako inutusan, hindi ko pa malalaman.”

Bahagyang napakunot ang noo ko, “Inutos?”

“Ah! Oo nga pala,” napatingin ako sa paper bag niyang hawak na inabot niya saakin, “Inutusan ako ni Sir Jared na bilhin para sa’yo ito kasi wala ka raw pamalit, Ma’am Alejah.”

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon