Kabanata 10

117K 2.1K 108
                                    

Kabanata 10

Home




Hindi pinayagan ng doctor na ilabas na si Caleb dahil sa mga sugat nito. Pabor naman 'yun saakin. Kaya sa mga nagdaang araw na 'yun, laging dumadalaw sina Tita Isabelle at Tito France. Mabuti na nga lang at sa paglipas ng araw, hindi na gaanong nagsusungit si Caleb sa kanila. Kinakausap na niya ang mga ito kahit papaano. Lagi kasi nila itong pinasasalubungan ng laruan at pagkain. Samantala, hindi na dumalaw si JD matapos nang nangyari.

Hindi siya pinansin ni Caleb nang araw na iyun kaya umalis din ito. 'Yun nga lang, hindi ako nakaligtas sa masamang titig niya bago ito makalabas ng kwarto.

"We need to go, Caleb. Magpagaling ka ah? We'll miss you." paalam ni Tita Isabelle kay Caleb isang hapon nang dumalaw sila.

"Opo, Lola."

Napangiti si Tita Isabelle saka bumaling saakin, "Mauna na kami, hija. May aasekasuhin pa kasi kami, 'e. Baka hindi rin kami makapunta sa susunod na mga araw dahil mangingibang bansa kami ng Tito France mo for our business tripkaya ikaw na muna bahala sa apo namin, ah? Don't worry, my son, JD, will help you to take care of him."

"O-okay po." pilit ang ngiti ko dahil sa huling sinabi niya.

Hanggang sa tuluyan na silang nagpaalam. Nang maisara ko ang pinto, bumuntong-hininga saka ako humarap kay Caleb. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang malungkot niyang mukha habang pinaglalaruan ang laruang robot na bigay sa kanya ni Tita Isabelle.

Bumuntong-hininga ako at pilit na winala sa isipan ang sinabi ni Tita Isabelle saka lumapit sa kanya. Naupo ako sa tabi niya saka ko hinaplos ang buhok niya. Kahit papaano, nakahinga ako nang maluwag dahil mabilis gumaling ang mga sugat niya. Sabi nga ng doctor, baka one of these days pwede na siyang lumabas.

"Hey, why are you sad? Miss mo agad sina Lola at Lolo?"

Tiningala niya ako nang nakasimangot pa rin, "Mommy, is that true? Lola Isabelle told me that my real dad was the reason why I'm still here. Alive and breathing."

Napatigil ako sa paghaplos ng buhok niya. Hindi agad ako nakapagsalita sa gulat sa tanong niya.

"Mommy, is that true po?" ngumuso siya.

Bumuntong-hininga ako nang maka-recover ako sa tanong niya. Dahan-dahan akong tumango, "Yes, baby. He was the reason kung bakit hanggang ngayon kasama pa rin kita. Nayayakap, nahahawakan at nakakausap."

"Really?" mas lalo siyang ngumuso, "Am I bad, mommy?"

Napakunot ang noo ko, "Why?"

"Because I shouted at him because of what he did to you. I even said I hate him. I shouldn't have done that because he saved me. Am I bad, mommy? Is he mad at me?" nataranta ako nang bigla siyang umiyak.

Agad kong pinunasan ang luha niya, "No, baby. Hindi ka bad, okay? At mas lalong hindi siya galit sa'yo."

"Then why did he stop visiting? I think he got mad because of what I did!" mas lalo siyang umiyak kaya mas lalo rin akong nataranta, "Mommy, I want to see him. I want to apologize to him. Please call him, Mommy."

Ang pagkataranta ko, unti-unting nawala dahil sa sinabi niya. Nabingi ako sa iyak at pakiusap niya na tawagan ang Daddy niya.

Shit, what should I do?

Maliban sa hindi ko alam kong paano siya tatawagan, kinakabahan ako at parang ayoko pang makita siya ulit. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang masamang titig niya nung nakaraan. At saka, what if he's busy? Paano kung sinusuyo niya hanggang ngayon si Cyndie kaya hindi niya dinadalaw ang anak ko?

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon