Simula
“CALEB!”
Isang matamis na ngiti ang kusang kumawala sa labi ko nang salubungin nang mahigpit na yakap ni Mommy si Caleb, ang munti kong anghel. Halata sa mukha ni Mommy ang pagkasabik na mayakap ang apo nito.
“Oh, my God. Ang laki-laki mo na! Parang kailan lang,” my Mom said at sandali itong natahimik.
Agad kong napansin ang pamumuo ng luha sa mga mata nito. Nailing na lang akong nangingiti. Si Mommy talaga.
“At hindi lang ‘yun. Ang poging pogi mo pa.” dagdag nito mayamaya, sabay pisil sa magkabilang pisngi ni Caleb. Bahagya akong natawa. “How old are you again, baby?”
“F-four.” Caleb answered. Ipinakita pa nito ang kamay. Mas lalo tuloy nanggigil si Mommy rito. Samantala si Caleb, halata ang pagkailang sa mukha nito. Siguro dahil ngayon lang niya nakita nang personal si Mommy kaya alam kong naninibago pa ito sa presensiya ni Mommy. Ilang sandali binalingan ako nito, “Mommy.” tawag nito saakin. Halata sa ekspresyon ng mukha nito ang panghihingi ng tulong. Wala akong nagawa kundi ang lumapit.
Pagkalapit ko rito agad itong yumakap sa beywang ko kaya tumayo na rin si Mommy.
I hugged my mom tightly, “I missed you, Mom.”
“I miss you, too, honey.”
Hindi ko napigilang igala ang tingin sa paligid ng bahay namin. Muling may lumabas na tipid na ngiti sa labi ko.
It’s been five years...
“How’s your flight, Alejah?” tanong ni Mommy.
Matapos niya kaming salubungin sa harap ng bahay, niyaya na niya kaming pumasok sa loob. Pareho kaming nakaupo sa sofa, samantala si Caleb naman, busy sa paglalaro ng mga laruan nitong nakalatag sa carpet na nakangiti lang naming pinagmamasdan ni Mommy. Halatang aliw na aliw ito sa bata. Sa sobrang pagkaaliw, ngayon lang siya nagkaruon ng pagkakataong makapagtanong.
Binalingan ko si Mommy, “Ayos lang po, Mom.”
Sinulyapan niya si Caleb, “How about him? Nakatulog ba siya nang maayos sa byahe? At pasensiya ka na, ha? Hindi ko na kayo nasundo ni Caleb sa airport.”
Ngumiti ako, “Okay lang po, Mommy. And Caleb is fine po. Halos hindi nga ‘yan nakatulog sa sobrang excitement, ‘e. Alam niyo na first time niyang nakasakay ng eroplano kaya aliw na aliw siya sa mga ulap.”
Unti-unting napawi ang ngiti ko nang mapansin ko ang paninitig niya saakin. Isang tipid na ngiti ang lumabas sa labi niya pero may kakambal na lungkot ang emosyon ng mga mata nito.
“I’m glad you're back, anak,” sabi niya nang ilang segundong paninitig saakin. Napansin ko ang muling pamumuo ng luha sa mga mata niya, “Until now, I still blaming myself about what happened to you. Hanggang ngayon pakiramdam ko napakapabaya kong ina...”
Agad kong nilapitan si Mommy saka ko siya yinakap para i-comfort, “Ssshh, Mom. Wala ka pong kasalanan. At tsaka, tapos na ‘yun. Wala po akong pinagsisihan,” sinulyapan ko ang anak kong abala sa paglalaro at napangiti nang tipid, “Kahit kailan hinding-hindi ko po pagsisihan ang nangyari noon saakin. Mom, look, I have Caleb now kaya hinding-hindi po ako magsisisi.”
Sa totoo lang, wala sana akong plano bumalik ng bansa. Sa limang taon ko kasing pananatili sa States kasama ng anak ko, naging masaya naman ako ruon. Because for me, my son is enough, sobra-sobra pa. Ito ang buhay ko. Mula nang dumating ito sa buhay ko, nagawa kong kalimutan ang mga masasakit na nangyari sa limang taong nakalipas. Naging masaya ako sa limang taon na ‘yun. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa Kanya dahil sa pagbigay Niya saakin ng isang napaguwapong anghel sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...