Kabanata 24

92.1K 1.7K 101
                                    

Kabanata 24

Still

           
        
       
Sabi nila, masama raw maging sobrang saya dahil kapalit nun ay hindi inaasahang kalungkutan. Doble o tripleng sakit ang magiging  kapalit nun. At mukhang tama nga ang kasabihang iyun.

I never thought this coming. Hindi ako nakapaghanda na mangyayari ang araw na ito. Akala ko ayos na. Masaya na ako dahil sa wakas natupad na ‘yung pangarap ko lang nuon. JD is finally likes me. Bigla kong nakalimutan at biglang nawala sa isip ko na may Cyndie pa pala. Na kamuntikan na niya pinakasalanan at posibilidad na minahal. Minahal. Hindi naman siya papakasalan ni JD siguro kung hindi niya ito minahal, hindi ba?

“Cyndie, tell me the truth, what are you really doing here?”

Nanatili akong nakayuko kahit narinig ko ang pagsalita ni JD na katabi ko sa harap ng hapag.

After what happened. Matapos ng eksena ni Cyndie, Tita Isabelle invited us to have dine with her. At mukhang hindi lang si Cyndie ang natutuwa. Kitang-kita kong masaya rin si Tita Isabelle na muling makita si Cyndie. Kaya mas lalo akong nanliit. I can see that Tita Isabelle likes Cyndie so much.

Sino ba naman ako? Ako lang naman ang ina ng anak ng apo niya.

“Oo nga, hija. What are you doing here? I thought you're already in the US?” I heard Tita Isabelle asked Cyndie.

“Yes, Tita. Pero pinag-isipan ko itong mabuti habang nasa US ako. I came back because I want to continue the wedding.”

“Cyndie!” biglang napatayo si JD, “We already talked about that!”

“Jared, tone down your voice.” sabi ni Tita Isabelle kaya walang nagawa si JD kundi ang muling umupo at hindi na nagsalita pa. Ramdam na ramdam ko sa bigat ng hininga niyang pinapakalma lang nito ang sarili niya.

Hindi na siya nagsalita pa, ganun din naman ako. Ano bang bago? Kanina pa ako walang masabi. Mula nang dumating si Cyndie, wala nang salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ko rin alam kung anong gusto kong maramdaman.

“Baby...”

Narinig kong mahinang tawag ni JD mayamaya, sakto lang para marinig ko siya. Pero hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya. Ayaw kong mabasa niya ang emosyon sa mukha ko.

“Baby, please, look at me..”

Hindi pa rin ako nag-angat ng tingin. Natahimik na siya kapagkuwan, kaya akala ko sumuko na siya sa pagkuha ng atensyon ko. Pero nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa thigh ko. Hanggang sa mahanap niya ang kamay kong nakapatong dito. Napaigtad ako sa gulat dahil sa ginawa niya lalo na nang hawakan niya ito.

Agad akong nag-angat ng tingin kay Tita Isabelle at Cyndie na patuloy sa masayang pag-uusap, sa takot na baka alam nila ang ginagawa ni JD. Pero nakahinga ako nang maluwag na patuloy na nag-uusap ang dalawa.

Binalingan ko si JD na patay malisya at mapupungay ang mga matang nakatingin saakin. I gave him 'what are you doing? Nasisiraan ka na ba?' look.

Bahagya niyang pinisil ang kamay kong hawak niyang nasa kandungan ko saka ginamit niya ang pagkakataong nag-uusap ang ina at ex-fiancee niya para ilapit nito ang mukha sa mukha ko.

“Tell me what's running on your mind. Natatakot ako, alam mo ba?”

Napalunok ako sa sinabi niya. He’s scared? Ako nga dapat ang matakot dito. His ex-fiancee is back na gustong ituloy ang kasal nila. Kaya hindi ko alam ang nasa isip niya ngayon.

Hindi ako nakapagsalita at nanatili lang akong nakatingin sa mga mata niyang puno ng sari-saring emosyon.

Natahimik na ako matapos nun, pero patuloy ang pasekretong pangungulit saakin ni JD. Sinusuway ko lang siya sa pamamagitan ng tingin. Hindi nagtagal, dumating din si Tito Frances na masaya rin sa pagbalik ni Cyndie. Like Tita Isabelle, halata ring gustong-gusto ni Tito Frances si Cyndie. Siyempre naman, hindi naman papayag ang mga itong pakasalan ni JD kung hindi nila gusto.

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon