Kabanata 32
Nervous
"JD, do you know where Cyndie is now?" I couldn't help but ask him after our make out.Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya, pero mayayama'y huminga siya nang malalim, "I don't know," he sighed, "Why did you ask?"
Pakiramdam ko nakahinga ako nang maluwag dahil sa sagot niya. He doesn't know. Ibig sabihin, walang silbi ang pag-iisip ko sa kanya kanina. Bigla akong nakonsensiya. Bakit ba kasi bigla kong naisip ang bagay na iyun?
"Wala lang. Akala ko kasi alam mo kung nasaan siya. The last time we talked, she was mad. Hindi ko naman siya masisisi, sinira ko ang kasal niyo, 'e. At kanina -"
Naputol ang ibang salita ko nang dampian niya ng halik ang leeg ko. Napapansin ko, mukhang favorite spot niya ang leeg ko. Lagi niyang isinusubsob ang mukha niya rito, 'e. Tulad ngayong pareho kaming nakahiga sa kama.
"Let's stop talking about Cyndie," he said, "Magkuwento ka na lang sa mga ginawa mo ngayon araw. Saan ka pumunta?"
"Nakipagkita ako kay Shannon at Miguel. Sinabi ko sa kanilang ikakasal na tayo. And then.."
"Hmm?"
"Pumunta kami sa shop ng asawa ng pinsan ni Shannon na si Kuya Simon."
Napaangat siya ng mukha at taas kilay niya akong tiningnan, "Shop?"
Napasinghap ako nang may bigla akong maalala. Biglang nawala sa isip ko iyun kanina. Kaya naman napabangon ako. Bakas naman sa pagmumukha niya ang pagtataka. I just smiled at him and took out my phone.
"I'll show you something.."
Mukhang na-curious naman siya sa sinabi ko kaya umupo rin siya sa kama. Hindi ko muna siya pinansin. Ni-open ko ang gallery at hinanap ang mga kuha ni Shannon kanina. Nang mahanap ko na iyun, ipinakita ko kay JD ang mga kuha ruon.
"Wow.."
I couldn't help but smile while I'm watching him. He looks amaze as he stares at every picture he slides.
Matapos niyang tingnan lahat ng pictures ko, hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ng mukha niya nang tumingin saakin. Still amaze.
"You're stunning," he said and smiled as he caressed my cheek, "You really are perfect to be my bride," he chuckled, "Dahil dito, mukhang hindi ko na papatagaling makasal sa'yo. I want to marry you immediately. Mukhang kailangan na nating pag-usapan ang date ng kasal natin. I want to do it soon."
Napanguso ako para pigilan ang ngiti ko. Tama si Shannon sa sinabi niyang madadaliin nga ni JD ang kasal kapag nakita niyang nakasuot ako ng wedding gown.
That night, before he went home, pinag-usapan namin ang kasal. We decided to do it one week after Caleb's fifth birthday and that is five months from now.
Bawat araw na lumilipas, mas nagiging mas masaya pa ang gising ko. Ang sarap sa pakiramdam kapag wala kang ibang iniisip kundi ang papalapit niyong kasal. Walang problema. Sana magpatuloy na ito.
"Where are you going?"
Napahinto ako isang araw nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Kuya mula sa likuran ko. Kaagad ko siyang nilingon.
"Kuya," I said, "I'll meet the wedding planner today."
I gulped when he looked at me intently, "Who's with you?"
"Shannon."
Napataas siya ng kilay sa sinabi ko, "Wedding planner ang kikitain mo, tapos ang kaibigan mo ang isasama mo? Where's your fiance?"
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...