Kabanata 31
Gown
“Oh my God! Is this for real?”That was Shannon reaction after she stared the ring on my finger. Ilang minuto niya rin itong tinitigan bago siya nakapag-react.
I couldn't help but smile at her reaction.
“Wow! It's look expensive. Did you ask him how much it cost?”
“Of course not, Shannon. At hindi ko na iniisip kung magkano ‘to. Ang mahalaga.. we’re getting married.”
Nanggigigil si Shannon na yinugyog ang balikat ko, “Tangina mo, malandi ka! Akala ko talaga tatanda kang dalaga sa kahihintay kay Jared tapos ngayon.. Oh my! Kilig na kilig ka namang bruhilda ka!”
Nailing-iling na lang ako sa pinagsasabi nito pero hindi ko rin naman mapigilang mapangiti.
“Pero duh,” Shannon said and rolled her eyes, “Bakit ganun ang proposal niya? Hindi masyadong nakakakilig. Bakit hindi man lang siya nag-effort.”
Pinigilan kong mapaikot ng mata dahil sa sinabi ng kaibigan ko, “Dahil biglaan, Shannon.”
Hindi ko na kailangang ulitin kung bakit biglaan. Ikwenento ko na sa kanya ang nangyar. Mula sa pagsunod ko sa suggestion niyang tanungin ko si JD kung mahal niya rin ako, hanggang sa ‘yung proposal nito.
“Kahit na, ‘no? If I were you, I wouldn't accept his proposal. Dapat ginawa man lang niyang surprising. Dapat nag-effort man lang siya, ‘no?”
Hindi ko na napigilang mapaikot ng mata dahil sa sinabi nito.
“Why? What kind of wedding proposal are you dreaming of?” pagsali sa usapan ni Miguel na muntik ko nang makalimutang kasama pala namin.
Paano, hindi naman ito nagsasalita kanina pa. Abala lang ito sa pagkain ng cake na nasa harapan niya. Ni hindi ito nag-react nang sinabi kong ikakasal na ako.
Napabaling sa kanya si Shannon. Ngumiti ito na mukhang sandali nitong nakalimutang halos patayin na naman niya ito ng tingin kanina nang malaman niyang pareho silang tinawagan ko para ipaalam sa kanilang ikakasal na ako.
“Siyempre. I want it to be surprising and special. ‘Yung tipong yayayain niya muna akong makipag-date. Tapos, ayun na. Dadalhin niya na ako kung saan ang surprise proposal niya. Tapos magugulat akong nandun ang buong pamilya ko. Tapos luluhod siya sa harapan ko. I'll be surprise of course. I'll cry pero dapat maganda pa rin ako kahit umiiyak. Siyempre, ivi-vedio nila iyun kaya dapat maganda pa rin ako, ‘no? Baka kasi i-upload nila sa Facebook at mag-trending. Tapos ayun na. He'll show me the ring and he'll ask me to marry him.”
Hindi ko alam kung matatawa ako sa ekspresyon ng mukha ni Shannon habang sinasabi ang dream proposal niya. Para talaga itong nangyayari sa harapan niya ngayon kung makangiti.
Nginiting-ngiti pa rin itong bumaling kay Miguel na hindi alam kung ngingiti rin o tatawa, “That’s my dream proposal. ‘Di ba nakakakilig ang ganun?”
Miguel smirked at her, “That would be a corny and cheesy proposal when that happens.” sabi ni Miguel na nakapagpapawi ng abot taingang ngiti ni Shannon.
Kapagkuwan, sinamaan ito ng tingin ni Shannon, “Corny and cheesy ka riyan! That would be sweet! Anong corny at cheesy ka riyan? Heh! Bakit nga ba kita kinakausap pa? Ano bang alam mo sa mga ganuong bagay, ‘e, ipinanganak ka pa yata sa kapanahunan ni Crisostomo Ibbara! Primitive!”
Maarte niyang inikutan ng mata si Miguel sabay hawi ng buhok na ikinahalakhak lang nito. Pero hindi na siya pinansin ni Shannon, tinalikuran siya nito kahit magkatabi lang naman sila sa inuupuan.
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...