Kababata 2

117K 2.3K 92
                                    

Kabanata 2

Brother

          
     
         
"Caleb!"

Pinagpapawisan at habol hininga akong nagising dahil sa masamang panaginip. Kahit panaginip lang 'yun, ramdam ko pa rin ang panunubig ng mata ko lalo na't tungkol kay Caleb ang napanaginipan ko.

He died in my dream!

Mas dumoble ang kaba ko nang makita kong wala siya sa tabi ko.

"Oh my God! Caleb!" agad akong bumaba ng kama. "Caleb, nasaan ka?"

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto kaya agad akong napabaling dito. Nakita ko ang pagpasok ni Demy na bakas sa mukha ang pagtataka, napansin siguro ang pagkataranta ko. But I ignored her expression. Mabilis ko siyang nilapitan. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang napanaginipan ko.

"Demy, where is Caleb?"

"Ma'am, b-bakit po kayo umiiyak?"

"Just answer my question! Where is he? Nasaan ang anak ko?"

Mukhang nagulat si Demy sa pagkataranta ko. Napakamot siya sa ulo. Bumuga ako ng hininga at hindi ko na siya hinintay na makapagsalita, mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag ni Demy sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin.

“Caleb!” tawag ko nang makarating ako sa salas ng bahay, pero hindi ko siya nadatnan duon.

“Ma’am..” nag-aalangang tawag saakin ni Demy mula sa likuran kaya mabilis ko siyang hinarap.

“Where’s my son, Demy?”

Nag-aalangan niyang tinuro ang dining room, “Nandun po —”

Hindi ko na siya hinintay na matapos ang pagsasalita niya. Mabilis kong tinungo ang dining room. Pagdating ko ruon, papasok na sana ako pero hindi rin natuloy nang makitang hindi lang ang anak ko ang nasa loob.

He’s with my brother.

Tatlong linggo na rin mula nung umalis siya sa bahay dahil saakin kaya ngayon ko lang ulit siya nakita. I didn’t expect it. Pero mas hindi ko ini-expect na makita kong nakikipag-usap siya sa anak kong masaya namang nagkukwento sa kanya.

“How did you know about me?” my brother asked my son. Nasa kabisera ito, samantala si Caleb, nasa gilid nito.

“Mom always talks about you. She even shows your picture on me and told me how much she loves you.”

Ilang sandali pa bago nakapagsalita si Kuya. Napatitig siya sa anak ko at napakurap, “Your mom did that?”

“Opo. But, Tito. Was it true that your mad at my mom? Did she do something wrong that made you upset?”

Napakurap lang si Kuya at hindi nakasagot kaya nagpatuloy si Caleb.

“Tito, can you forgive my mom? Because I hate seeing her sad. I don't want to see her cry. I always want to be her happy because I love my mom, Tito..”

Napangiti ako sa matapos kong marinig ang sinabi ni Caleb. And it’s true that I always talk about Kuya. How he became a brother to me and how close we are before. Even though he’s so mad at me because of what happened, ayaw ko namang maging hindi pamilyar si Caleb sa kanya.

I missed him and I want us to be okay again. But for now I’m contented to see him talking to my son.

Kaya sa halip na disturbuhin ang dalawa, bumuga ako ng hininga saka ko sila tinalikuran. Bumalik ako sa kwarto para makaligo na muna.

Matapos kong maligo, nadatnan ko si Caleb sa kwarto na abala sa tablet habang nasa ibabaw ng kama. Napansin kong mukhang katatapos lang din itong maligo. Nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang bahagi niya. Siguro pinaliguan ito ni Demy habang naliligo ako sa bathroom kanina.

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon