Kabanata 11
Visit
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Aaminin kong umasa pa rin ako sa kahihintay ng reply niya saakin kagabi pero ilang minuto at oras akong naghintay pero wala talaga. Hanggang sa hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog.
Kaya kinabuksan, nagising na lang ako sa sinag ng araw na pumapasok sa loob ng kwarto ko. Kinukusot ko ang mata ko nang unti-unti akong bumangon.
Agad akong tumingin sa tabi ko para tingnan si Caleb pero ganun na lang ang panlalaki ng mata ko nang makitang wala siya sa tabi ko!
"Oh my God, Caleb!"
Agad akong bumaba sa kama at patakbong lumabas sa kwarto. Dala na siguro ng nangyari kay Caleb kaya ganito na lang ang kaba at takot ko nang makitang wala siya sa tabi ko.
"Caleb!" kinakabahan kong tawag habang lakad-takbo ang ginagawa ko sa hagdanan
"Mommy!"
Napahinto lang ako at kahit papaano, nabawas-bawasan ang takot at pag-aalalang nararamdaman ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Caleb. Tuluyang naglaho ang takot at pag-aalalang nararamdaman ko nang makita ko siya sa salas ng bahay.
Agad ko siyang nilapitan at umupo sa harapan niya.
"Hey. I was worried. Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo," I said. Napakunot ang noo ko kapagkuwan, "Paano ka nakalabas ng kwarto? Si Tito Zee mo ba ang kumuha sa'yo sa kwarto at nagbaba sa'yo rito?" alalang tanong ko.
He shook his head, "No. Daddy did it!"
Ang laki ng ngiti niya nang sabihin iyun. Ngayon ko lang napansing kakaiba ang mood niya kumpara kahapon at sa mga nagdaang araw. Pero hindi ang mood niya ang nagpakuha ng pansin ko.
"W-what did you say? Your what?"
"Mom, Daddy was here! He came, Mommy! He visited!"
Halos magtatalon siya sa tuwa kung wala lang siyang iniindang sakit sa katawan, baka nagawa na niya iyun. Kapagkuwan, biglang lumungkot ang mukha niya.
"But he left when Tito Zee came," muli sumigla ang mukha niya, "But it's okay. At least, I saw him! I'm so happy that we talked already. I apologized to him because of what I said and I already said I love him then he promised me that he'll visit me again when everything is okay."
Tuwang-tuwa siya sa pagkukwento. Samantala ako hindi ko alam kung anong ekspresyon ng mukha ko ngayon habang nakatitig sa masayang mukha ng anak ko. Hindi pa rin ako kapaniwala na galing dito si JD. And did he... enter my room.. when I was asleep?
Oh my God!
Omg. Ano kaya 'yung ekspresyon ng mukha ko habang natutulog? Nakanganga ba? Tulo-laway ba ako? Oh my God, nakakahiya.
Halos gusto kong lumubog sa kinauupuan habang iniisip ko kung anong hitsura ko nang pumasok si JD kanina habang tulog ako.
"Tinanghali ka yata nang gising."
Muntik na akong mabuwal sa kinauupuan sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Kuya mula sa likuran ko. Napatayo ako at agad akong humarap dito. Kapansin-pansin ang kaseryosohan ng mukha niya, which is hindi na dapat bago saakin. Pero kakaiba kasi ang tinging ibinibigay niya saakin. Parang may nagawa na naman akong mali at hindi niya nagustuhan.
Nang maalala ko ang sinabi ni Caleb, lakas loob ko pa ring tinanong si Kuya kahit parang tatagos na sa kalamnan ko ang titig niya.
"K-kuya, sabi ni Caleb, nanggaling daw si JD dito? Totoo ba?"
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomantizmFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...