Kabanata 42
Hate
“I miss you, baby. Nandito na nga ako sa Pilipinas, pero pakiramdam ko, ang layo-layo mo pa rin.” I said to my son.I talked to him via phone. Ilang araw na ulit siyang hindi ko nakakasama at palagi siyang nandun sa bahay ng ama niya kaya wala akong magawa kundi ang kausapin siya sa phone.
Ngayon ko lang napatunayan na mahirap pala talaga ang hindi buo ang pamilya. Nahahati ang atensyon ng anak. Kung ganito na ang nararamdaman ko, ano pa kaya ang nararamdaman ni Caleb? Ayos lang kaya sa kanyang ganito ang set-up naming tatlo?
“Don’t worry, Mommy, I’m gonna ask my dad if I can stay there tomorrow.”
I smiled because of what he said.
“If he won’t let me, bakit hindi na lang po ikaw ang pumunta rito sa bahay?”
Napawi ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.
Bumuntong-hininga ako mayamaya at magsasalita na sana ako nang makarinig ako ng katok sa background niya. Sunod kong narinig ang boses ng ama niya.
“Caleb, that's enough. You should eat your dinner first.”
“Yes, Daddy!” sagot ni Caleb dito saka ako nito muling kinausap, “Mom, I’ll just call you later again. I’ll eat first.”
Tipid ko siyang nginitian kahit hindi naman niya nakikita, “Okay, baby.”
Sunod kong narinig ang mga yabag nito papalayo kaya bumuntong-hininga ako at papatayin ko sana ang tawag nang marinig ko ang boses ng ama nito.
“Hey..”
I didn’t answer and I just let him talk. Later on, I heard him sighed.
“Don’t worry. I’ll let Caleb stay there as long as he wants.”
“Talaga?” alam kong hindi ko naitago ang tuwa sa boses ko kaya nakagat ko ang ibabang labi ko nang mapagtanto iyun.
“Yep,” he said, popping the 'P'.
Tumahimik na siya, kaya akala ko wala na siyang sasabihin kaya papatayin ko na sana ang tawag nang muli siyang magsalita.
“I’m sorry for my actions earlier.”
Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina. Naipikit ko nang mariin ang mata ko.
“I’m just —”
“No,” putol ko sa iba pa niyang sasabihin saka ako nagmulat ng mata, “Let’s just forget it. I hung up. Bye.”
Magsasalita pa sana siya, pero bago ko pa marinig ang sasabihin niya, pinatayan ko na siya ng tawag saka ako tumihaya ng higa at napatitig sa kesame.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin at iisipin ko. Bakit sa dinami-rami na lalaki sa mundo, bakit sa kanya pa? Bakit sa kanya pang may mahal ng iba? Bakit sa kanya pang may asawa na?
Papa G. Please naman oh. Promise, sa susunod. Susubukan ko na pong gawin ang suhestiyon ni Tita Conny at Xandri. Susubukan ko na pong maghanap ng lalaking pagbibigyan ko ng atensyon ko. Basta po, huwag lang po sa kanya.
Naputol lang ang pagdarasal ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong tiningnan ang tumawag. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang si Shannon ang tumatawag. Kalaunan, bumuntong-hininga muna ako saka ko sinagot ang tawag ng kaibigan ko.
“Hello?”
“Alejah..” napasinghap ako at agad akong napaupo nang marinig ko ang hikbi ng kaibigan ko, “Alam mo tama ka. Mga walang kuwenta talaga ‘yang mga lalaki!”
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...