Kabanata 18
Family
"There." sabi ko matapos kong ayusin ang polo shirt ni Caleb saka ko pinangigilang pisilin ang pisngi niya, "Ang pogi-pogi naman ng baby ko.""Handsome like Daddy, Mommy?" he innocently asked na nakapagpapawi ng ngiti ko. Kumunot ang noo ko dahil dun, "Why, Mommy? Hindi ba pogi si Daddy para sa inyo? 'Di ba po sabi mo, I look like Daddy so that is mean I'm handsome like Daddy, right?"
Muli akong ngumiti sa sinabi niya, "Of course, you are. You're handsome like your D-daddy." I gulped after what I said.
Tuwang-tuwa siyang nagpapalakpak. Nailing-iling na lang ako nang nakangiti. Kalaunan, sinuot ko sa kanya ang backpack niya saka ko inayos ang kwelyo ng polo shirt niya.
"Stay here, huh? Magbibihis lang si Mommy." I said.
Hinalikan ko ang pisngi niya saka ko siya iniwan sa may sala. Bumalik ako sa room namin. Pagpasok ko rito, agad kong ni-check ang phone ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang may makita ang mensaheng galing sa kanya.
Jared:
On the way.
Napanguso ako nang maalala ko ang huling sinabi niya saakin kagabi. Ni hindi man lang ako naka-oo o hindi. Matapos kasi niyang sabihin 'yun, hindi ko na nagawang makapagsalita. I was speechless because of what he said. Ni hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog dahil sa pag-iisip ko sa sinabi niya.
Huminga ako nang malalim saka ko binitawan ang phone ko at dumiretso sa banyo para makaligo na. Matapos kong maligo nang halos isang oras, lumabas na rin ako sa banyo matapos kong makapagbihis ng jeans at simpleng white shirt lang na may print ng bunny. Mahigit twenty minutes ang tinagal ko sa pag-aayos saka ako muling humarap sa salamin at huminga nang malalim.
Alam kong nasa baba na rin si JD at hindi ko alam kung paano ko siya mahaharap. Iniisip ko palang na haharapin ko siya, nararamdaman ko na ang paglakas ng tibok ng puso ko.
Matapos nang ilang sandali, nagdesisyon na rin akong lumabas ng kwarto ko kahit kinakabahan ako. Nang tuluyan na akong makababa, nadatnan ko si Caleb na tahimik lang na nakaupo sa sofa habang naglalaro sa tablet niya. Samantala, si JD, nakita kong may kinakausap sa phone niya habang nakatalikod saakin. Pero maya-maya'y bigla siyang humarap saakin. Agad nagtagpo ang malalalim niyang mata at ang gulat kong mga mata. Mukhang ako lang yata ang nagulat saaming dalawa dahil nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha niya habang nakikipag-usap sa phone.
"Send that to my email. I'll check it later," sabi niya sa kausap niya sa phone nang hindi inaalis ang mga mata saakin. Nagawa pa niyang pasadahan ng tingin ang suot ko kaya napatikhim ako nang hindi oras ang napaiwas ng tingin, "Yeah. I have important things to do... Tell him I'm busy, okay?.. Good. I hung up."
Hindi ko na lang pinansin ang paninitig niya. Lumapit ako sa anak kong abala sa paglalaro sa tablet. Kinuha ko ang atensyon niya kaya napaangat siya ng tingin saakin.
His smile widened, "Mommy, are we going now? Sabi ni Daddy pupunta raw tayo sa Amusement park!" binalingan niya si JD na kalalagay lang ng phone sa bulsa ng pants nito, "'Di ba, Daddy?"
JD smiled at him, "Of course," he said saka siya nakapamamulsang lumapit dito at bahagyang ginulo ang buhok ni Caleb, "What's my ‘lil version wants, what he gets."
Caleb frowned at his dad, "Daddy, don't ruin my hairdo."
Tumawa lang nang marahan si JD saka niya tinigil ang paggulo sa buhok ni Caleb. Halos mahigit ko ang hininga ko nang bumaling siya saakin.
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...