Kabanata 12

116K 2.2K 270
                                    

Kabanata 12

Little Version

        
             
          
“J-JD, hi..”

After a seconds of silence, nakahanap na rin ako ng salita. Gusto kong ngumiti pero alam kung mas magiging tanga lang ako sa harapan niya kapag ginawa ko iyun dahil sa kabang nararamdaman ko.

Dahil sa pagbasag ko ng katahimikan, parang natauhan siya. Pumikit siya sandali at huminga nang malalim. Nang muli niyang iminulat ang mata niya parang gusto ko na lang magpagulong-gulong sa hagdan sa paraan ng pagtitig niya saakin. Walang dudang mukhang galit pa rin siya saakin. Parang kasuklam-suklam ako sa paraan ng pagtitig niya saakin ngayon.

Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko nakayanan ang paraan ng pagtitig niya, “Uh, I’m —”

“Daddy!!”

Naingat ko ang ulo ko dahil sa boses ni Caleb. Patakbo niyang sinalubong si JD. Kinabahan ako dahil baka mahulog siya sa hagdan.

“Caleb, careful!”

Nakahinga lang ako nang maluwag nang tuluyan siyang makababa ng hagdan. Napabaling ako kay JD. Nawala na ang dilim ng mukha nito. Napalitan ito ng galak habang binubuhat ang anak ko.

“How’s my little version? Did he miss me?”

“Yes, Daddy. Super!” ngiting-ngiti na sagot ni Caleb sa Daddy niya na ikinangiti lalo nito.

Hindi ko namalayang nangingiti na rin pala ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Para bang komportable na komportable na sila sa isa’t isa, lalo na si Caleb. Parang ang tagal na nilang magkakilala. Hindi pa rin ako kapaniwala na mangyayari ang araw na ganito. Parang kailan lang at hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagsigaw ni Caleb dito. Pero sa ekspresyon ng mukha ni JD, mukhang nakalimutan na naman niya iyun.

Napakurap lang ako nang may biglang nag-flash na camera. Napatingin ako sa likuran ko. Ngayon ko lang napansing  nasa likuran ko na rin pala ang ngingiting-ngiting si Tita Isabelle na may hawak-hawak na camera at si Tito France na nakangiting nakamasid lang sa mag-ama.

“Ma, what are you doing?” kunot noong tanong ni JD.

“Kinukuhanan ko lang kayo ng picture, anak. Ang cute niyo kasing tingnan, ‘e. Para kayong pinagbiyak na bunga. Right, honey?” nakangiting sabi ni Tita Isabelle. Nakangiting tumango-tango lang naman si Tito France sa tanong ng mahal niyang asawang inaakbayan niya.

Muling kinuhanan ng picture ni Tita Isabelle sina JD at Caleb.

“Ma, please, stop that.” nayayamot na sabi nito.

Tita Isabelle frowned, “Bakit ba ayaw na ayaw mong kinukuhanan ka ng picture? Eh nung bata ka naman gustong-gusto mong pini-picture-an ka.”

“Daddy, let Lola Isa. Para po magkaruon na tayo ng picture together. Ayaw niyo po ba, Daddy?”

“Of course, I’ll love to. It's just that—Well, nevermind. Anyway, have you eaten?”

“Yes, Daddy. But can I eat again? Nagugutom na po kasi ulit ako.” nakangusong sabi ni Caleb sabay himas sa tiyan niya.

JD laughed, “Okay. What do you want to eat?”

“My hungry tummy wants pizza.”

Tumawa ulit si JD saka niya bahagyang ginulo ang buhok ni Caleb, “Okay. Pizza it is.”

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan ang mag-ama. Napawi lang ang ngiti ko nang biglang bumaling saakin si JD. Napalunok ako nang makitang nakakamatay ang titig niya saakin bago siya tumalikod, karga-karga ang anak ko.

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon