Kabanata 1
First
“HEY!”Ilang beses akong napakurap dahil sa boses ng matalik kong kaibigang si Shannon. Kitang-kita ko mula sa screen ng laptop ko ang pagkunot ng noo niya. My best friend looks confused. Mayamaya’y inikutan pa ako nito ng mata.
“You're spacing out!” Shannon said, “Duh! Kanina pa ako dada nang dada rito pero hindi ka naman pala nakikinig.”
Bumuga pa siya ng hininga kaya nakita ko kung paano umusok ang bibig niya. Dala na rin siguro nang sobrang lamig ng klima sa bansa kung saan siya naruruon. Nasa ibang bansa kasi ito. She’s now a licensed nurse in New York.
Tipid akong napangiti kapagkuwan, "Pasensya na. May iniisip lang ako."
She rolled her eyes again, "What are you thinking, then?"
Sa halip na sagutin ko ang tanong niya, hindi ko siya napigilang titigan.
"Oh come on! Alam kong maganda ako pero 'wag mo naman akong titigan nang ganyan!" sabi niya nang mapansin niya ang paninitig ko sa kanya.
Nailing na lang ako. Hindi naman kasi iyun ang dahilan. Huminga muna ako nang malalim saka lakas loob kong tinanong sa kanya ang kanina ko pa gustong itanong at dahilan din ng pagkatulala ko.
"You know?"
Napakunot ang noo niya, "Anong alam ko?"
Muli akong huminga nang malalim, "He is getting married."
She blinked twice. Hanggang sa unti-unting lumaki ang mata niya sa gulat nang mapagtanto kung anong ibig kong sabihin. Hindi ko lang nga alam kung nagulat siya dahil alam ko na o nagulat siya dahil sa balita kong ikakasal na ang tinutukoy kong taong kakilala niya rin. Kahit hindi ko naman kasi pangalanan ang taong tinutukoy ko, alam kong may ideya na siya. She knew me too well. Of course, she’s my best friend.
Mayamaya, napangiti siya nang alanganin, "K-kung ganun... alam mo na?" tipid siyang ngumiti, "Huhu. I'm sorry if I didn't tell you. I was just scared. Natatakot ako na kung malaman mo, masasaktan ka na —"
"I already moved on, Shannon." putol ko sa iba pa niyang sasabihin.
Sandali siyang napatunganga sa mukha ko. Tinatantiya nito ang ekspresyon ng mukha ko. Kapagkuwan, unti-unti niya akong tinaasan ng kilay. Binigyan pa niya ako nang mapanuring tingin, halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Talaga lang, ha? Hindi ko na maalala no'n kung ilang beses mo na rin ‘yang sinabi saakin no’ng high school tayo hanggang sa mag-kolehiyo at bigla ka na lang... Boom! In love ka pa rin sa mokong na 'yun!" Shannon rolled her eyes.
Tipid ko siyang nginitian, "That’s the old me, Shannon. This time, totoo na 'to. Talagang naka-move on na ako. It's been five years and I have Caleb now. Simula nang dumating siya sa buhay ko nakuntento na ako sa buhay ko. He's enough. Sobra-sobra pa."
Unti-unting nawala ang mapanuri niyang tingin saakin dahil sa sinabi ko, "Talaga?" I nodded. Huminga siya nang malalim, "Mabuti naman. Actually, sasabihin ko na sana sa’yo nung matanggap ko ang wedding invitation nila pero ayun.. I'm afraid that you’ll just get hurt."
"Okay lang," sabi ko kahit ang totoo, nagulat akong malaman mula sa kanyang may natanggap din siyang invitation para sa kasal. Paano nangyari ‘yun? They’re not even close back then. Kung sa bagay, ilang taon na rin ang nakakalipas at hindi na ako magtataka kung bakit walang naikwento si Shannon. Sa limang taong nawala ako rito, iniiwasan ni Shannon mabanggit ang pangalan niya.
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...