Kabanata 28
Stay
Kinahapunan, pinayagan na rin akong lumabas ng doctor. Kaya lang may isang problema. Tahimik at nakasimangot si JD habang nagmamaneho pauwi sa bahay. Papaano, pinilit niya akong magkuwento tungkol sa pagkakaibigan namin ni Miguel. How we ended up to be friends, where I met him and so on.Wala sana akong balak magkuwento sa kanya dahil alam kong ganito ang magiging reaksyon niya, pero nagpumilit siya kaya ikuwenento ko sa kanya lahat. As in lahat. Ending? Ayan, hindi ako kinakausap magmula kanina.
Mas lalo yata siyang nagalit nang malaman niyang bathrobe lang ang suot-suot ko nang dalhin ako ni Miguel sa hospital.
“Hey..” pagkuha ko ng atensyon niya.
Hindi ko rin alam kung makailang beses ko nang sinubukang kunin ang atensyon niya pero walang epekto. Nanatili ang tingin nito sa daanan.
Pinigilan kong ngumuso. Napabuntong-hininga na lang ako mayamaya at ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa labas. Pero nang hindi ako makatiis, muli ko siyang binalingan.
“I told you, kaibigan ko lang si Miguel, kaya wala kang dapat ipagselos sa kanya.”
Gumalaw ang panga niya, “Don’t talk to me,” he deeply sighed, “Let me think first, okay?”
Unti-unti na akong naiinis sa kasupladahan niya, “Anong pag-iisipan mo? Kung itutuloy pa natin ito?”
Sunod-sunod at mahina siyang nagmumura matapos ng sinabi ko. Pero hindi na siya nagsalita pa, kaya naman ibinaling ko na lang ulit ang tingin ko sa labas.
“Malay ko bang mahuhulog ako sa hagdan, ‘no? At tsaka, hindi naman ako mahuhulog kung tinupad mo ang pangako mo...”
Napatigil ako sa pagsasalita at agad kong nakagat ang ibabang labi ko nang mapagtanto ang sinabi kong agad kong pinagsisihan.
Unti-unti akong bumaling sa kanya, “I-I mean.. no, wala kang kasalanan. It’s just —”
“No,” putol niya sa iba ko pang sasabihin nang hindi man lang ako binabalingan ng tingin, “You’re right. It's my fault.”
Naku, patay. Mas lalo ko yatang napalala ang sitwasyon.
Hindi na ulit siya nagsalita pa, ganun din ako. Pero panay ang sulyap ko sa kanya, nagbabakasakaling magsasalita siya pero hindi na talaga siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay.
Paghinto ng kotse niya sa tapat ng bahay, nauna siyang bumaba. Una niyang pinagbuksan ng pinto si Caleb na pinauna niya papasok sa loob ng bahay. Matapos iyun, ako naman ang pinagbuksan niya ng pinto.
Napalunok ako nang maingat niyang sinikop ang likod ng hita at likod ko para buhatin ako, kaya agad akong napayakap sa leeg niya.
Salubong ang kilay niya pero nagagawa niya pa ring kumilos nang maingat. Hindi ko mapigilang mapatitig sa guwapo niyang mukha habang binubuhat ako papasok sa bahay.
Idineretso niya ako sa kwarto ko. Nang makarating kami ruon, maingat niya ako inilapag sa kama. Samantala, hindi ko pa rin maalis ang mga mata ko sa mukha niya.
“Stay here. Papadalhan lang kita ng miryenda.” sabi niya pagkalapag niya saakin sa kama. Ni hindi niya ako binalingan ng tingin.
Lalakad na sana siya nang hawakan ko siya sa damit niya, “Hey. A-are you still mad?” maingat kong tanong, pero hindi siya sumagot o binalingan man lang ako ng tingin. Lumunok ako para mawala ang nakabara sa lalamunan ko, “P-please, don't get mad. I'm sorry, okay? I didn't mean it. It's not your fault..”
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...