Kabanata 25

99.8K 1.7K 55
                                    

Kabanata 25

Mine

         
            
             
"What are you thinking?" I heard him asked.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko man lang magawang ibuka ang bibig ko dahil sa naghuhumirintado kong puso. Hanggang ngayon hindi pa rin maayos ang paghinga ko dahil sa posisyon naming dalawa. Lumipas na rin ang limang minuto pero hindi pa rin niya ako binibitawan. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

Napapikit ako nang mariin.

Naiilang ako sa posisyon namin pero hindi ko magawang magprotesta dahil aaminin kong nagugustuan ko rin naman. Ang sarap sa pakiramdam na nakayakap siya saakin ngayon habang pareho kaming nakahiga. Nawala lahat ng inaalala ko tungkol sa nangyari kanina. Tungkol kay Cyndie, tungkol sa kanilang dalawa.

"W-wala." sagot ko ilang segundo ang nakalipas.

I heard him chuckled. Maya-maya gumapang ‘yung kamay niya at hinanap ang kamay ko. Nang mahawakan na niya iyun, ipinagsalikop niya ang mga daliri namin.

Muli akong napapikit nang mariin dahil dun.

"Are you feeling uncomfortable?"

Dahan-dahan akong tumango bilang sagot. Siguro kapag tumagal pa ito, tuluyan na talaga akong atakehin sa puso.

Narinig ko ulit siyang natawa nang mahina sa batok ko, "I'm sorry. I just love doing this to you."

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya.

Damn. Jared Dylan Sanmiego. Bakit ba kahit paulit-ulit na akong nasasaktan nang dahil sa'yo, nagagawa mo pa ring pabilisin ang tibok ng puso ko nang ganito? Ang daya mo.

"S-si Caleb. Yung anak ko." sabi ko para ibahin ang usapan at para kahit papaano mabawasbawasan ang kabang nararamdaman ko dahil sa kanya.

"Anak natin," he corrected me, "Hindi mo lang siya anak, he is my son too. Don't be stingy,” he chuckled, “At iniiba mo lang ang usapan. But don't worry about our son, he's with Ate Lena."

Napanguso ako dahil sa sinabi niya.

Mayamaya lang naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya saakin. Hanggang sa tuluyan na talaga siyang umupo sa higaan. Lakas loob ko siyang nilingon. Nakita ko siyang nakasandal sa headboard ng kama at nakahalukipkip na nakatingin saakin. Mapapupungay ang mga mata nitong nakatingin saakin habang pinaglalaruan ang mga labi.

Tumikhim ako saka unti-unti ring umupo. Tumabi rin ako sa kanya at isinandal din ang sarili sa headboard, tulad ng ginawa niya.

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" umiwas ako ng tingin nang maalala ko si Cyndie, "Baka magalit sa'yo ‘yung fiancee mo kapag nalaman niyang nandito ka." mahina kong sabi, sakto lang para marinig niya. Biglang kumirot ang puso ko nang maalala ang tungkol sa pagiging fiancee ni Cyndie.

"Ex-fiancee, you mean?"

Napabaling muli ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi man lang nagbago ang emosyon ng mata nito. Mapupungay pa rin itong nakatingin saakin.

“I will not marry Cyndie if that's what you are thinking. And let's not talk about her. Let's just talk about you,” his eyes narrowed, “Why did you leave without telling me? I told you not to leave, didn't I?”

Umiwas ako ng tingin sa tanong niya nang maalala ko ang nangyari kanina dahilan ng pag-alis namin ni Caleb.

"May nangyari ba?"

Hindi pa rin ako sumagot. Kalaunan, umiling na lang at nagbaba ng tingin.

Ano pang saysay kong sabihin ko ang nangyari kanina at ang pag-uugali ni Cyndie? Baka isipin niyang nagpapapel lang ako.

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon