Kabanata 16

118K 2.1K 391
                                    

Kabanata 16

Sleep

          
            
            
When I woke up Caleb is no longer by my side. Pero hindi na ako nag-alala tulad nang dati dahil kampante naman ako kung sino ang kasama niya. Pero nang maalala ko kung kaninong kwarto ang hinihigaan ko, napasinghap ako at agad akong napabangon mula sa pagkakahiga ko.

Muling pumasok sa isipan ko ang nangyari bago ako nakatulog. Wala ako sa sariling napahawak sa labi ko.

The kiss. Was that a dream? Did that really happen?

Gusto ko mang isiping nananaginip lang ako at panaginip lang ang lahat ng iyun. Na panaginip lang ang paglapat ng mga labi namin. Na kaya ko siya napanaginipan dahil iniisip ko siya, pero hindi! That kiss really happened! And until now I still couldn't believe he did that.

Matapos niya akong halikan kanina, walang salita niya akong iniwan. Ni hindi niya hinintay ang sasabihin at gagawin ko. Basta na lang niya akong iniwang nakatulala at hindi kapaniwala sa halik niya. Ni hindi ko natanong kong para saan ang halik na iyun. Para saan nga ba? Ayaw ko namang umasa na may ibig sabihin ang halik na iyun dahil baka mamaya, umaasa lang pala ako sa wala. Kaya mas mabuting isipin kong may ibang dahilan ang halik na iyun.

Ipinilig ko ang ulo ko at pumikit nang mariin habang pilit na kinokumbinsi ang sarili kong kalimutan na ang nangyari.

Ilang minuto pa akong nanatili sa kwarto ni JD. Nagdadalawang isip kasi akong lumabas. Iniisip ko kung paano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sa kanya matapos ng halik na iyun. Anong sasabihin ko? Itatanong ko ba kung para saan iyun?

Wala sa sarili akong napagulong-gulong sa malambot ng kama ni JD sa pagkalito.

Damn, Alejah. It was just a kiss. Wala lang iyun sa kanya kaya dapat ganun ka rin. Act like nothing kiss happened.

Sa huli, nakumbinsi ko rin ang sarili kong lumabas ng kwarto ni JD matapos kong makatanggap sa galit ko na namang kapatid.

Kuya Zyrel:

Where are you, Alejah? Sumama na naman kayo sa gagong lalaking iyun? Umuwi na kayo!

Napailing-iling na lang ako matapos kong mabasa ang mensahe ni Kuya. Hindi ko siya ni-reply-an. Bahala siya mag-isip.

Napabuga ako ng hininga at muling napalinga-linga sa paligid ng bahay. Hindi ko nadatnan ang mag-ama sa sala nang makababa ako rito kaya nang may dumaang katulong sa harap ko, hindi ko na napigilang magtanong.

"Nasaan si Jared at Caleb?"

"Nasa pool po 'yung mag-ama niyo, Ma'am. Nasa likuran ng bahay."

mag-ama niyo.

Hindi ko na napigilan ang ngiti ko dahil dun, "Sige po. Salamat po."

Tumango lang siya saka siya tumalikod saakin. Kalaunan, huminga ako nang malalim saka lumakad patungong likod ng bahay.

Pagdating ko sa likod ng bahay, napahinto rin ako nang makita ko si JD at Caleb na masayang naliligo sa pool. Nagtatawanan sila habang naglalaro ng water gun. Nasa gilid ng pool si Caleb samantala si JD nasa gitna nito. They're look so happy. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mag-ama.

Tawa nang tawa si Caleb nang magawa niyang tamaan si JD ng tubig sa mukha kaya napapikit ito pero may bahid ng ngiti sa labi.

"Hahahaha! Bleeh! Natamaan kita, Daddy! Hahaha!"

Patuloy na umiikot si Caleb sa gilid ng pool habang tawa nang tawang patuloy na binabaril ng water gun si JD na hindi man lang umiilag. Hinahayaan lang niya ang anak sa ginagawa.

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon