Kabanata 50

110K 1.5K 53
                                    

Kabanata 50

Love

             
          
            
            
“Jared Dylan!” malakas kong sigaw mula sa loob ng kwarto namin.

Naghintay ako ilang minuto na pumasok siya, pero hindi pa rin siya pumasok kaya mas lalo akong nainis. Kaya naman, naiinis akong bumaba sa kama para hanapin ang lalaking iyun.

Nasaan na kaya iyun? Inutusan ko lang na magluto ng Dinuguan, hindi na nakabalik.

Yeah. I’m craving for something weird. Ilang araw na rin akong ganito. Ilang araw na akong nagki-crave ng kung anu-ano. Hindi lang iyun, mas grabe rin ang pagmo-moodswing ko. Ang bilis magbago ng mood ko.

Hindi ko man gusto ang nangyayari, hindi ko makontrol ang sarili ko. Si JD ang madalas kong pagbuntungan ng inis ko sa tuwing may mga bagay akong hindi nagugustuhan.

I don’t want this dahil natatakot ako na baka kung mapuno siya saakin, bigla na lang niya akong iwan. The worst, baka bigla na lang niyang hindi ituloy ang kasal sa paparating na buwan. Pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Tuwing naiinis at naiirita ako, sumasabog talaga.

Ang weird lang dahil hindi naman ako ganito noong pinagbubuntis ko si Caleb. Hindi ako ganito. Nagiging emosyonal man ako, pero hindi ganito kalala. Hindi ako dumadating sa puntong ganito. Mukhang pinapahirapan ako ng bata sa sinapupunan ko.

“JD! Where are —”

Naputol ang salita ko nang makarinig ako ng mga boses na nag-uusap-usap sa baba.

Bumuntong-hininga ako at nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan. Nang nasa parte na ako ng hagdanang makikita ko ang nangyayari sa baba, tumigil na rin ako lalo na nang tuluyan ko nang makita ang hinahanap ko, kaharap si Miguel.

Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa ng dalawang kulugo na ito?

“Kung wala ka, ako sana ngayon ang nakatuluyan ni Alejah.” si Miguel.

Natawa nang pagak si JD. Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha ni JD dahil nakatalikod siya sa banda ko. Pero si Miguel kitang-kita ko ang mapang-asar nitong ngisi.

“Oh talaga?” si JD.

Miguel smirked more, “Oo. Alam mo bang gustong-gusto ako ng Tita Conny niya para sa kanya?”

“Tapos?”

“Gusto niyang ligawan ko si Alejah.”

“Tapos?”

“I was there when she gave birth to Caleb.”

“Then?”

“Ako ang nagpangalan kay Caleb.”

“So, you were saying that,” tumigil sandali si JD at lumapit pa lalo kay Miguel, “You regret that you didn't court Alejah? My Alejah? Ganun ba?”

Hindi nakasagot si Miguel.

Ikiniling ni JD ang ulo niya, “Shannon, did you hear that?”

“Oo, Jared! Rinig na rinig ko!” narinig ko ang boses ni Shannon sa kung saan.

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Miguel at gulat napalingon sa likuran niya. Sunod-sunod itong nagmumura habang sinusundan at tinatawag si Shannon.

“Shannon! Fuck! I was just kidding!”

Nawala lang ang atensyon ko sa dalawa nang marinig ko ang pagtawa ni JD kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.

Nakita kong tawang-tawa siya habang pinapanuod ang dalawa sa labas na mukhang nagtatalo pa yata.

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon