Kabanata 38
Fetch
“Naku, Shannon. Ang daming manliligaw niyang si Alejah duon, pero palaging basted.” sabi ni Tita Conny.After ng batian namin sa airport kanina, sumakay kaming lahat sa SUV na pinagda-drive ni Miguel, katabi nito si Shannon. Samantala, si Tita Conny ay nasa gitna at katabi ko naman ang anak kong kanina ko pa niyayakap.
I really missed him.
Panay ang kuwentuhan namin habang pauwi kami. Hanggang sa mapunta si Shannon sa mga papuri at pagbabago raw saakin.
Para saakin, wala namang nagbago. Ako pa rin naman ito. Isa lang naman ang nagbago saakin. ‘Yung nararamdaman ko.
“Aba! Dapat lang, ‘no, Tita. Kasi may naghihintay sa kanya rito!”
Mula sa paninitig ko sa anak ko, kunot noo kong binalingan ang kaibigan kong biglang nasamid matapos ng sinabi.
“Naghihintay?” si Tita, mukhang kyuryuso rin, “Bakit? May iniwan bang manliligaw itong pamangkin ko rito?”
Tumawa si Shannon, “Wala po, Tita! Ang ibig kong sabihin.. kami po! Kami ang naghihintay sa kanya. ‘Di ba, Miguel?”
Tumango lang naman si Miguel saka bumaling sa rear view mirror kaya nagtagpo ang mga mata namin. I raised my brows at him when looked at me seriously. Nagkibit lang siya ng balikat saka niya muling ibinalik ang tingin sa daan.
Nailing-iling na lang akong muling ibinalik ang tingin ko sa anak ko. I smiled. Ang laki talaga ng pinagbago niya. Bukod sa ang laki ng tinangkad niya, mas lumalabas din kung gaano siya kagandang lalaki. Iyun nga lang, dahil naman duon, mas nakikita ang pagkakahawig niya sa ama niya.
Medyo ang unfair lang dahil ngayon ko mas napagtanto na wala nga talaga siyang kahit isa siyang nakuha sa feautures ko. Lahat, nakuha niya sa ama niya. Pati nga siguro ugali nito namana rin niya ruon. Sana nga lang, huwag dumating ang panahon na gagayahin niya rin ang ginawa ng ama niya.
“Where’s Kuya, by the way?” I couldn't help but ask when I noticed that Kuya is not with them.
Si Mommy naman, alam kong abala talaga iyun kaya hindi ko na ini-expect na sasama siyang susundo saakin, at naiintidihan ko iyun. But Kuya Zyrel? Medyo nakakatampo dahil ini-expect kong isa siya sa susundo saakin.
Napabaling lang ako sa anak ko nang magsalita ito, “Tito Zee is preparing surprise for you—” he gasped and covered his mouth with his palmed when he realized what he said.
Ngumiti ako, nawala ang pagtatampo kay Kuya, “Talaga? Kaya ba siya hindi sumama kasi may inahahanda siyang surprise? What kind of surprise is he preparing?”
“Forget what I said, Mommy,” he looked away and murmured something, “I’m dead. I shouldn’t said that.”
I chuckled when I heard it. Yinakap ko siya mula sa tagiliran, “Don’t worry, you're not dead to Tito Zee. I'll just pretend that I didn't know that he is preparing for a surprise.”
Nakangiti siyang bumaling saakin at yinakap din ako, “You’re the best, Mom.” he said, almost whisper, that made me smiled.
Nagpatuloy ang kuwentuhan namin nang kung anu-ano habang nasa biyahe kami pauwi. Mahigit isang oras din ang biyahe namin dahil inabutan pa kami ng traffic sa daan. Hanggang sa huminto ang SUV sa tapat ng bahay.
Nagpresenta si Miguel na siya ang bahala sa mga gamit namin. Samantala, si Caleb, pagkababa namin, agad akong hinila papasok sa loob ng bahay kaya tawang-tawa ako.
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...