Kabanata 40
Prove
Nakatulugan ko na lang ang pag-iyak kagabi dahil sa nangyari. Mabuti na lang, hindi gaanong namugto ang mata ko. Hindi ko nadatnan si Caleb sa tabi ko. Ipinagkibit ng balikat ko na lang iyun bago pumasok banyo para maghilamos.Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin matapos kong maghilamos. Hanggang sa pumasok sa isipan ko ang salita ni Tita Conny at Xandri.
Sana ginawa ko na lang ang sinabi nila. Sana tumanggap na lang ako ng lalaking manliligaw. Baka sakaling iyun ang paraan para makalimutan ko ang lintik na lalaking iyun.
Ipinilig ko ang ulo ko ang ulo ko para mawaglit ang pag-iisip ko tungkol sa bagay na iyun bago bumuntong-hininga at lumabas na sa banyo.
Matapos kong ayusin ang sarili ko lumabas na rin ako ng kwarto ko at tumungo sa kusina.
Pagdating ko ruon, muntik na akong mapatili sa gulat nang madatnan ko ang taong laman ng isipan ko. Karga-karga nito ang bata kong pinsan. Samantala si Tita Conny, nakangiting pinagmamasdan ang dalawa habang nagtitimpla ng gatas.
What the hell? What is he doing here? Did he sleep here?
Naramdaman yata nila ang presensiya ko kaya pareho silang napabaling sa direksyon ko. Biglang nawala ang masayang ngiti ni JD. Samantala si Tita Conny, ngiting-ngiti akong binati. Ang lawak ng ngiti niya. Ngiting may halong panunukso.
"Oh, Alejah! Good morning!"
I gave her a question look. Inosente lang siyang nagkibit ng balikat.
What the heck? Pati ba naman si Tita Conny na dapat kakampi ko ngayon, nasa side na ng mokong na iyan? Anong pinakain ng lalaking iyan sa tita ko? O baka naman, nahumaling din ito sa charm niya. Dinaan sa ngiti ganun?
Gusto kong umirap sa naisip ko at dahil duon parang nawalan ako ng gana kaya nagpasya akong iwan sila. Tatalikuran ko na sana sila nang pigilan ako ni Tita Conny.
“Oops. Where are you going, Alejah?”
Pagod akong napabuntong hininga, “Babalik na lang muna ako sa kwarto.” saka na ako bababa kapag wala na ang mokong na iyan dito.
Tita Conny disagreed, “'Wag ka nang bumalik sa kwarto, Alejah. Magkape ka muna. Ipinagtimpla kita. And Jared is here.”
Because of what she said I forgot that she's my mother’s sister. I glared at her. Nginitian niya lang ako nang mapanukso. Hindi nagpaapekto sa tingin ko sa tinging ibinibigay ko sa kanya.
“Ang mabuti pa, mag-usap muna kayo.”
Kinuha ni Tita Conny ang batang pinsan ko sa lalaki saka lumakad palabas ng kusina. Bago siya tuluyang makalabas, lumapit pa siya saakin at bumulong.
“Talk to him, Alejah, and listen to him.” matapos iyun tuluyan na niya kaming iniwan ng lalaki dito sa loob ng kusina.
Napatingin ako kay JD na nakatingin din saakin habang nakahalukipkip at nakasandal sa sink na walang sinasabi.
Calm down, Alejah. Huwag kang matakot humarap sa lalaking iyan. Kung sino ang dapat matakot at mahiya siya iyun. Dahil siya ang may atraso sa’yo at hindi ikaw.
Sinamaan ko siya ng tingin saka ako lumakad. Hindi ko pinansin ang presensiya niya. Kumuha ako ng tasa para magtimpla ng kape kahit sinabi ni Tita Conny na ipinagtimpla na niya ako. Mukhang nagbibiro lang naman siya at mukhang gusto niya lang talagang mag-usap kami ng lalaking ito na ramdam na ramdam ko ang paninitig saakin mula sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...