Kabanata 5

117K 1.7K 85
                                    

Kabanata 5

Drunk

       
        
    
Nagising ako na nasa isang kwarto na ako. Nakahiga sa isang kama. Nang maalala ko si Caleb, agad akong napaupo. Bahagya pa akong napadaing nang maramdaman ko ang kunting kirot ng ulo ko dahil sa biglaan kong pag-upo.

“Alejah!” napatingin ako kay Shannon na nasa tabi ko na ngayon. Nakahinga siya nang maluwag at tipid na ngumiti, “Thanks, God, you’re already awake. Akala ko kung ano nang nangyari sa‘yo. Pero sabi ng doctor, over fatigue lang daw kaya ka nawalan ng malay.”

“Gusto kong makita si Caleb. K-kamusta na siya?” hindi pa rin maalis sa isip ko ang kaba.

Nginitian niya ako kaya kahit hindi ko pa man naririnig ang sasabihin niya nakahinga na ako nang maluwag. “My inaanak is fine now. Wala pa siyang malay pero the doctor assure that he’ll be fine. Hintayin na lang daw natin siyang magising.”

“Really?” naluha ako. Hindi dahil sa kalungkutan at takot, kundi sa saya, “I want to see him.”

Akmang baba ako ng higaan nang biglang magsalita si Kuya na hindi ko namalayang nandito rin pala.

“No.” napatingin ako sa kanya. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa pinto ng kwartong kinaruruonan namin. Seryoso ang ekspresyon ng mukha niyang lumapit saakin, “Hindi mo makikita si Caleb hangga't hindi mo sinasabi saakin ang lahat.”

“Pero, Ku—”

“You promised me, Alejandra. You promised me that you’ll tell me everything about what happened five years ago.”

Hindi na ako nakasagot. Naalala ko kasi na pinangako ko sa kanya bago ako mawalan ng malay na sasabihin ko sa kanya ang lahat kapag nagising ako. At ngayong gising na ako, mukhang wala na akong magagawa lalo na’t mukhang seryoso siya na hindi niya hahayaang makita ang anak ko hangga’t hindi ko sinasabi ang lahat.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang tumango, “Okay. I’ll tell you everything,” muli akong huminga nang malalim, “Since highschool, gusto ko na si JD.”

“I know that part.”

Hindi na ako nagulat na alam niya dahil narinig ko na ‘yun sa kanya kanina. Ang ipinagtataka ko lang, “Paano?”

Pagak siyang natawa na parang ang tanga ko para itanong pa iyun, “You’re too obvious. Kilos at galaw mo madaling basahin at tsaka kapatid kita kaya alam na alam ko. Lagi kang nauutal kapag kinakausap mo siya. Lagi mo rin siyang tinititigan kapag hindi siya nakatingin sa‘yo and one day, nakita kitang palihim mo siyang kinukuhanan ng picture. Kaya noon palang pinagdudahan na kita. Maging si Sanmiego, pansin na iyun.”

Bigla akong namula sa sinabi ni Kuya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Kung ganun, noon palang alam na ni JD na palihim ko siyang kinukuhanan ng picture? Nakakahiya.

“Mas lalo kong napatunayan na gusto mo nga si Sanmiego nung time you asked me about him and Cyndie. Nakita ko sa mga mata mo ang sakit nung malaman mong sila na nga. Pansin ko ang pagbabago mo. Lagi kang nakasimangot,” muli siyang nagtiim bagang, “Pero hindi ‘yan ang gusto kong marinig mula sa‘yo. Ang gusto kong marinig, paano kayo nagkaanak dalawa?”

Dahil sa sinabi niya, muli akong napatingin sa kanya. Salubong pa rin ang kilay niya na nakatingin saakin. Kalaunan tumaas ang kilay niya nang hindi pa ako nagsasalita.

Muli akong huminga nang malalim at sinimulan ko nang ikwento sa kanya ang lahat.

Matapos ngang malaman ko na sina JD at Cyndie na, naging tahimik at minsan bigla na lang akong napapaiyak. Mabuti na nga lang at nasa tabi ko lagi si Shannon.

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon