Kabanata 46
Parents
“Alejah!”Masayang-masaya akong sinalubong ng yakap ni Tita Conny nang makapasok ako sa bahay. Bahay ni Mommy, hindi bahay ni JD.
Mayamaya, nakangiti niya akong hinarap, “Omg! Hindi ko alam kung kailan kita nakita nang ganyan kasaya!”
Napanguso ako sa sinabi ni Tita. Ilang sandali pa, lumagpas ang tingin niya sa likuran ko. Hanggang sa marinig ko ang pamilyar na boses ni JD.
“Sorry, we’re late.” beneso niya ang Tita ko na malaki ang ngiti saka siya tumabi saakin.
JD wrapped his hand on my waist. Agad bumaba ang tingin ni Tita duon kaya agad akong pinamulahan ng mukha.
Mayamaya nag-angat ito ng tingin kay JD at pabirong nginitian ang katabi ko, “Ikaw, Jared, ah? Limang araw mo ring hindi inuwi itong pamangkin ko rito sa bahay. Ano? Magkakaapo na ba ulit ako sa pamangkin sa sunod na buwan?”
Jared chuckled. Samantala ako, ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha.
“Let us see.” pagsakay naman ni JD sa tita ko.
Tita Conny gasped, “Oh my!”
Napasimangot ako, “Tita!”
Pareho lang nilang tinawanan ang reaskyon ko kaya mas lalo akong napasimangot. At nagkasundo pa nga ang dalawang ito.
Matapos iyun, nagdesisyon na kaming pumunta sa dining room kung saan namin nadatnan si Mommy na abala sa paghanda sa pagkain sa hapag. Napatigil lang siya nang makita ang pagpasok namin.
Sinalubong niya ako ng yakap, “I’m so happy for you, hija.”
“Thanks, Mommy.”
Matapos nang yakapan namin ni Mommy, si Kuya na nakabusangot ang mukha naman ang nilapitan ko. Hinalikan ko siya sa pisngi.
“Hi, Kuya.”
Nakabusangot pa rin siyang nag-angat ng tingin saakin, “Bakit ngayon ka lang nakauwi? Kinukulong ka ba ng lalaking ito sa bahay niya?” tinuro pa nito si JD.
“Ay naku, Zyrel!” si Tita, “Ihanda mo na ang sarili mo dahil paniguradong may bago ka na namang pamangkin sa paparating na buwan!”
“Tita!”
Nagtawanan si Mommy at Tita. Samantala, mas lalo namang umasim ang mukha ni Kuya at tiningnan pa nang masama si JD na nakangisi lang sa kanya.
Matapos iyun, sabay-sabay kaming naghapunan. Magkatabi kaming tatlo ni JD at Caleb. Samantala, sa harapan namin sina Tita Conny na karga-karga si Bianca at katabi nito si Kuya. Si Mommy naman ang nasa kabisera.
Masaya kaming nagkukuwentuhan sa hapag. Tinanong nila kami nang tinanong sa mga nakalipas na araw. Pareho pang tuwang-tuwa si Mommy at Tita nang ipakita ko sa kanila ang singsing sa daliri ko. Samantala, si Kuya, hindi nawawala ang busangot sa mukha.
Para namang ewan itong kapatid ko. Parang hindi niya denepensahan si JD noong nakaraan ah.
“So kailan ang kasal?” Tita asked earlier.
“Four months from now.” magalang na sabi ni JD.
Hindi na ako nagulat dahil napag-usapan na namin iyun sa limang araw na papanatili namin sa bahay niya —bahay namin. Sabi niya kasi dapat ko nang sanayin ang sarili ko na sabihing 'bahay namin' iyun.
Three months sana iyun, pero dahil magbi-birthday pa si Caleb sa susunod na buwan na dapat din naming paghandaan, ginawa naming four months.
“Sa apat na buwan pa pala,” ang kuya kong epal, “So bakit kailangang duon muna kailangan patirahin ang kapatid ko sa bahay mo? Bakit hindi muna rito?”
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...