Kabanata 4
Father
Paglabas na paglabas ko ng hospital, agad akong pumara ng taxi. Naisip kong mag-taxi na lang dahil alam kong hindi naman ako makapagda-drive nang maayos dahil sa panginginig ng kamay ko sa sobrang kabang nararamdaman.“Saan po tayo, Ma’am?”
Sandali akong napaisip. Inaalala kung saang simbahan ginaganap ang kasal nina JD. Nang maalala ko ang invitation, agad kong sinabi sa driver ang lokasyon.
Habang nasa byahe, nakapikit akong nagdarasal na sana maging maayos ang anak ko.
JD,I know I already promised to myself that I won’t bother you anymore. Hindi na ako dapat magpapakita sa‘yo kahit kailan pero I’m sorry. Ikaw na lang ang naisip kong pwede kong lapitan para maligtas ang anak ko... ang anak natin. But I’ll promise again that this is the last. Kapag maayos na ang lahat, hinding-hindi na talaga kita guguluhin. Hahayaan na kita.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakapikit na nagdarasal. Bumalik lang ang diwa ko nang biglang magsalita ang driver ng taxing sinasakyan ko.
“Ma’am, nandito na po tayo.”
Napatingin ako sa labas dahil sa sinabi niya. Nang ma-rialized kong nandito na nga kami, binigyan ko siya ng sobra pa sa hinihingi niyang pamasahe bilang pasasalamat tapos bumaba na rin ako.
Sandali kong pinagmasdan ang malaki at puting simbahan nasa harapan ko. Marami ring naka-park na magagarbong sasakyan, isa na dun ang Ferrari ni Kuya. Halatang mayayaman ang mga naririto. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa simbahan. Sarado ang malaking pinto nito kaya hindi makita ang nangyayari sa loob.
Nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako narito, pinalis ko ang luha ko at lakad-takbo ang ginawa ko papalapit sa simbahan. Wala na akong pakialam kung anong mangyayari sa gagawin kong ito o kung anong magiging kahihinatnan nito. Isa lang ang nasa isip ko, ‘yun ay ang kaligtasan ng anak ko.
Nang makalapit na ako sa malaking pinto, walang pag-aalinlangan o pagdadalawang isip kong binuksan ang pinto.
Nakuha ko ang atensyon ng mga tao sa loob. Narinig ko ang pagsinghap nila pero hindi ko binigyang pansin. Nakatingin lang ako sa dalawang taong nasa harap ngayon ng pare. Nakatingin din sila saakin at kita ko rin sa mga mata nila ang pagkagulat kahit punong-puno ng luha ang mata ko.
After five years, ngayon ko lang ulit sila nakita. Lalong-lalo na siya. Hindi ito ang oras para punain siya pero hindi ko mapigilan. Ang laki ng pagbabago niya. Mas lalo siyang tumangkad kesa sa dati. Mas lumaki rin ang katawan niya kumpara sa dati. Bumagay rin sa kanya ang suot niyang tuxedo. Ang gwapo-gwapo niya.
Ilang sandali, dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila kasabay nun nagsimula naring magbulungan ang mga panahuin but I ignored them. Wala akong pakialam sa kanila.
“Alejah!” narinig kong tawag ni Mommy kung saan pero hindi ko siya pinansin. Nanatili lang akong nakatingin kay JD na nakita ko ang pagtiim bagang niya nang maka-recover na sa gulat.
“Alejah!” salubong saakin ni Kuya kaya sandali akong napahinto dahil humarang siya sa daanan ko. Hinawakan niya ako sa braso, “What the fuck are you doing? Are you out of your mind?” gigil niyang bulong saakin.
“Kuya, kailangan ko si JD!”
Napalakas ang pagkasabi ko nun kaya alam kong narinig ‘yun ng lahat. Mas lalo kong narinig ang mga bulungan ng mga bisita.
“Omg. Is she crazy?”
“God! Anong ginagawa niya?”
“Isa ba siya sa mga desperadang ex ni Jared?”
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...