Kabanata 48
Forgive
“Alejah!”Nakangiti akong sinalubong ng yakap ni Mama Isabelle nang makapasok sila sa restaurant. Niyakap ko rin siya pabalik. Matapos kong yakapin si Mama Isabelle, si Papa France naman ang nilapitan ko para yakapin din.
Ilang linggo ko na ring nasanay ang sarili kong tawagin silang Mama at Papa tulad ng gusto nila. At nakakatuwa dahil mula nang makapag-usap kami, wala na akong ilang na nararamdaman sa kanila. Lalo na kay Papa France.
“Where’s my apo?” Mama Isabelle asked.
“He’s upstairs po. He’s with his father po.”
“I want to see him! I'll give my gift for him!” excited na sabi nito.
“Just give it him later,” pigil ni Papa France sa kanya, “Isama mo na lang sa mga regalo ruon.”
“No! I want to give this to him myself!”
Nailing-iling na lang si Papa France sa asawa lalo na nagpaalam ito saakin para pumunta sa taas. Agad din namang nagpaalam saakin si Papa France para sundan ang asawa.
Nakangiti ko silang sinundan ng tingin. Nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko, nagpatuloy ako sa pagtanggap ng bisita na halos lahat hinahanap si Caleb.
Paano, sabi ng magiging host ng party, mamaya na raw ipapalabas si Caleb. I don’t know what's the point, pero hinayaan ko na lang.
Mayamaya, dumating na rin ang pamilya ko. Kuya, my mom, at si Tita Conny na karga-karga si Bianca. Nakakatuwa lang dahil naiba ang plano ni Tita Conny. Isang buwan lang dapat ang bakasyon niya rito, pero nang malaman niyang tuloy na ang kasal namin ni JD, nagbago ang isip niya.
Like Mama Isabelle and Tito France, after they greeted me, they went upstairs to greet my son too. Kaya pinagpatuloy ko ang pagsalubong at pagtanggap sa mga bisita.
Matapos nang ilang sandali, napatingin ako sa wrist watch ko. The program is about to start. Bumuntong-hininga ako at napatingin sa loob ng restaurant.
I smiled.
Lahat ng mga kilala kong imbitado, nasa loob na. Caleb’s friends and classmates, JD's friends together with their wives and girlfriends, Shannon and Miguel, my family and his family. Lahat nang mahahalaga at mahal namin sa buhay nandito.
Hindi nagtagal, tuluyan nang nag-umpisa ang party. Magkakasama kami ng pamilya ko, Papa at Mama ni JD sa isang table habang inaabangan namin ang paglabas ni Caleb sa mini stage na ginawa.
“Where’s Caleb?” I asked JD who’s sitting next to me.
“Inside. Ayaw papalabasin ng host. Mamaya na raw. Hayaan na natin.” he whispered.
Tumango na lang ako at hindi nagsalita pa. Isinandal ko na lang ang sarili ko sa kanya. Humigpit naman ang yakap ng kabilang kamay niya sa baywang ko at marahang hinalikan ang noo ko.
Later on, the host started to talk in the stage. Kung anu-anong keme-kemeng pinagsasabi niya hanggang sa wakas, ipakilala niya na si Caleb.
“The birthday celebrant, Michael Caleb Sanmiego!”
Nagpalakpakan lahat ng tao nang lumabas si Caleb sa stage. I proudly smiled. My son is so handsome! Kamukhang-kamukha niya talaga ang ama niyang mayama’y bigla na lang sumipol sa tabi ko.
“That’s my flesh and blood! That’s my son!” he proudly shouted that made everyone laughed.
Natatawa ko na lang siyang sinuway. Pero tumawa lang din siya nang marahan saka ako pinatakan ng halik sa labi. Walang pakialam kung may nanunuod.
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...