Kabanata 41
Miss
“What do you think you are doing?”He just sighed and didn’t answer. Nanatili ang mga mata nito sa daanan habang nagmamaneho. Kaya mas lalo akong nairita.
“Saan mo ba talaga ako dadalhin?”
Ni hindi man lang niya tinanong kung gusto ko bang sumama. Bigla na lang siyang nanghihila na para bang siya ang boss na dapat nasusunod. Ang mas nakakainis pa, kanina pa siya hindi nagsasalita kahit nag-iingay na ako sa kotse niya. Wala siyang ibang ginagawa kundi ang magbuntong-hininga na para bang napapagod na siya sa kakaingay ko.
Napaikot na lang ako ng mata at pabagsak kong naisandal ang sarili ko sa upuan at nakasimangot na nanghalukipkip nang hindi pa rin niya ako sinagot.
Wala akong kaide-ideya kong saan niya ako balak dalhin. Napapagod na rin akong magsalita pa dahil hindi na naman niya ako sinasagot at baka mas lalo lang akong mairita sa kanya kaya nanahimik na lang din ako.
Hanggang sa bigla niyang ihinto ang kotse niya sa tapat nang mukhang mamahaling restaurant. Kaagad ko siyang binalingan.
“What are we doing here?”
Sa halip na sagutin ang tanong ko, pagkapatay ng makina ng kotse niya, tinanggal niya ang seatbelt niya saka niya binuksan ang pinto. Pagkatapos nun, bumaba siya at umikot para pagbuksan ako ng pinto.
“Anong ginagawa natin dito?” ulit kong tanong habang tinitingala siya, “Are we going on a date?” dagdag ko.
Dahil duon napansin ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya. Hanggang sa kinagat niya ang ibabang labi niya na parang pinipigilang matawa kaya mas lalo akong nairita.
“Jared! Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo!” iritado kong sabi kahit ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil nagkamali pa yata ako.
Anong date, Alejah? May asawa na iyan kaya makikipag-date pa sa’yo? Oh damn!
Tumikhim siya saka siya namulsa, “If you are thinking it's a date, it’s a date then,” he said, teasingly. Sinamaan ko siya ng tingin pero binale-wala niya iyun, “Pero may kasama tayo, ‘e. We’ll meet someone. Kaya lumabas ka na riyan.”
“Kung sino man ang imi-meet mo, ikaw na lang. Ayokong sumama. At saka bakit kailangang kasama pa ako?”
He groaned, “Because you need to.”
Sinamaan ko siya ng tingin, “Tingnan mo nga ang suot ko. I'm still on my pajamas and slippers! Bakit ba kasi bigla ka na lang nanghihila? Bakit hindi mo man lang sinabi saakin na rito tayo pupunta? Ni hindi pa ako nakapagsuklay!”
“Sa tingin mo ba kung sasabihin ko sa’yo, sasama ka?”
Hindi ako nakasagot kasi alam na niya ang sagot ko. Siyempre, hindi. Iniiwasan ko nga siya, hindi ba?
I heard him sighed, “And nothing's wrong with you. You still beautiful in my sight.”
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya kahit naghuhumirintado na naman ang puso ko. I am about to scold at him when he groaned in so much frustration.
“Baby, can we please stop fighting?”
Hindi ako nakasagot at agad kong naiwas ang tingin sa kanya dahil sa tinawag niya saakin. Napikit ko nang mariin ang mata ko nang pumasok sa isip ko ang alaala nang nakaraan. Those memories when he calls me using that endearment.
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
Любовные романыFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...