Kabanata 35
Leave
“Ma’am..”Napakurap ako nang marinig ako ng boses. Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko ang kasambahay na may hawak ng isang basong tubig na nakalahad sa harap ko.
“Ito na po ang tubig niyo.”
I smiled a little and took the glass of water, “Thank you.”
Ngumiti rin siya saakin saka ako tinalikuran. Nang makaalis ang kasambahay, napawi ang pilit na ngiti sa labi ko at bumalik ang pag-alaala ko sa nangyari kanina.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na matapos ang nangyari. Pero tulad ng sinabi ni JD, hindi ako aalis dito sa bahay nila. Hihintayin ko siya. Because I am still hoping that I just misheard Cyndie. Dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung totoo nga iyun. Ngayon pa lang nga, naiisip ko pa lang na totoo iyun parang winawasak na nang paulit-ulit ang puso ko.
Pero habang lumilipas ang oras na paghihintay ko sa kanya dito sa bahay nila, hindi pa rin siya dumadating.
Is Cyndie and her child okay? Malala ba ang lagay ni Cyndie at ng bata kaya siya natagalan? Nakalimutan na ba niya ako? Binabantayan niya ba si Cyndie duon?
Alam kong mali, dapat mas iniisip ko ang kalagayan ni Cyndie at ng bata, pero heto ako at inuuna ko ang pag-iisip ko sa kung ano ang totoo. Nakonsensiya rin naman ako sa nangyari. Lalo na’t ako ang dahilan kung bakit nasa peligro ang batang dinadala ni Cyndie. Pero kasi.. gulong-gulo na ang utak ko. Hindi ko alam kung anong una kong iisipin.
Inilabas ko ang cellphone ko mula sa pouch ko para tingnan kung may message siya, pero wala akong natanggap. Ang last text niya ay kanina. I read his last message again.
Jared:
Don’t come to our house.
Nangunot ang noo ko matapos kong mabasa ulit ang mensahe niya kanina. Ngayon ko lang inisip kung bakit niya ako pinipigilang pumunta rito sa bahay nila. Is that because he doesn't want me to know that Cyndie is living here?
Napapikit ako nang maalala ko na naman ang sagot niya nuong tinanong ko siya kung alam niya kung nasaan si Cyndie. He answered me no. But the maid said that Cyndie is living here since she came back.
Sobrang sakit na mapagtantong nagsinungaling siya saakin, pero mas masakit kapag naiisip kong araw-araw silang nagkikita ni Cyndie dito. Natutulog ba sila sa isang kwarto?
Napapikit ako sa naisip ko at agad kong pinalis ang luhang lumandas sa pisngi ko. Matapos nang ilang sandali, nagmulat din ulit ako. Saktong may dumaang kasambahay sa harap ko kaya agad kong tinawag dahil may gusto akong malaman.
“Ate, do you know anything? T-totoo bang ikakasal ang Sir Jared niyo at si Cyndie?”
She sighed before she answered, “Hindi man po namin gusto si Ma’am Cyndie dahil masyadong maarte po iyun, Ma'am, pero iyun po ang alam namin. Narinig po kasi namin nuong minsang naghahapunan sila na napag-usapan nila na itutuloy nila ang kasal.”
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa panginginig nito, “A-alam mo ba kung kailan sila ikakasal?”
“Hindi ko po alam, Ma’am. Kasi po, ang alam ko ipa-private nila ang kasal nila. Kunti lang po ang nakakaalam.”
Hindi ako nakapagsalita kaya umalis na ang kasambahay sa harap ko. Samantala, nanatili akong nakatulala sa kawalan habang inaalala ang mga salita ni Cyndie.
![](https://img.wattpad.com/cover/148631183-288-k597659.jpg)
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...