Kabanata 21
Like
“Baby, look at me.” mahinang tawag ni JD.“Daddy, I’m playing!” Caleb said habang nakatutok ang mga mata nito sa cellphone ni JD na kanina pa niya nilalaro.
JD cleared his throat and then he chuckled. Ramdam na ramdam ko naman ang pamumula ng pisngi ko dahil alam kong hindi si Caleb ang tinatawag niya. It was me.
Kanina pa niya gustong kuhanin ang atensyon ko pero hindi ko siya nililingon. Dahil hanggang ngayon nag-iinit pa rin ang pisngi ko dahil sa pinagsaluhan naming halik kani-kanina lang.
After that kiss, ni hindi ko na siya matignan o masulyapan man lang. Huli ko lang na-realize ang pagtugon sa halik niya. Hiyang-hiya ako at hindi ko maintindihan.
Damn, Alejah. Nahiya ka pa talaga sa lagay na iyun, ah?
At isa pang bumabagabag saakin ang sinabi niya. He said he missed me and I shouldn't make him jealous again. He jealous? With whom? Miguel? Bakit siya magseselos kay Miguel? Is he...
Mas lalong lumalakas ang kabog ng puso ko sa posibleng dahilan. Kalaunan, ipinilig ko ang ulo ko para ipaalala sa sarili kong imposibleng mangyari iyun kahit ang totoo asang-asa na ako.
Posible ba iyun? Posible ba niya akong magustuhan sa kahit kunting panahon na nagkita ulit kami?
Naputol lang ang pag-iisip ko nang marinig ko ang muli nitong pagtikhim, kasunod nun ang pagbanggit nito sa pangalan ng sekretarya niya,
“Nikka...”
Hindi ko tuloy napigilang mapabaling sa inuupuan nito. Nakita kong nasa tapat ng tainga nito ang telepono na nakakonekta yata sa opisina ng sekretarya niya.
“Cancel my appointment this afternoon.” he said to his secretary as he tapped his reddish lips with his finger.
Hindi ko mapigilang mapalunok habang nakatingin sa nilalaro niyang labi. Hindi naman niya alam ang paninitig ko dahil nakatagilid siya sa banda ko habang kausap ang sekretarya niya, naka-de quarto at bahagyang ginagalaw-galaw ang inuupuang swevil chair.
“I’ll have a dinner with my son and...”
Dahil nanatili akong nakatitig sa labi niya, laking gulat ko nang bigla siyang tumingin sa banda ko. Hindi ko tuloy naitago ang gulat ko nang ilipat ko ang tingin sa mata niyang nakatuon agad saakin.
Unti-unting tumaas ang sulok ng labi niya, “... the mother of my son.” he continued, he then chuckled as he looked away.
Napapikit ako nang mariin habang pinapakiramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko.
Damn. He saw it! Nakita niya akong nakatitig sa labi niya. Oh my. Kung puwede lang tumalon mula rito sa opisina niya kanina ko pa ginawa.
“Sure.. uhm, six-thirty... yeah.. just send me the details to my personal number, okay?.. Okay. Thank you.”
Hindi ko na ulit siya sinulyapan. Sunod kong narinig ang pagbaba ng telepono nito at pagtikhim. Mayamaya, nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo nito. Naikuyom ko ang kamay kong nakapatong sa kandungan ko nang lumakad ito papalapit sa kinauupuan naming sofa ni Caleb.
Napalunok ako nang tumayo ito sa harapan namin ni Caleb.
“Hey,” pagkuha nito sa atensyon namin. Si Caleb ang unang nag-angat ng tingin sa kanya.
“Aren’t you busy anymore, Daddy? Are you done with your works?”
“Yeah.”
“That’s mean.. we can already play?”
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...