Kabanata 29
Ring
“Wake up, my beautiful sleepy head.”I moaned softly when I felt JD’s hot breath hitting my ear dahil sa bulong na ginawa niya rito.
Tumagilid ako ng higa, “It’s too early, JD. Inaantok pa ako.” reklamo ko gamit ang antok na boses.
“Baby, come on. You need to eat your breakfast.” muli niyang bulong sa tainga ko.
Hindi na ako sumagot dahil nga sa antok na nararamdaman ko. I heard him groaned. Naramdaman ko na lang ang pag-angat ko sa kama dahilan ng pagmulat ko.
“JD!” sabi ko nang makitang buhat-buhat na niya ako.
He gave me a peck and smiled sweetly, “Good morning.”
My heart fluttered because of his smile. Pakiramdam ko, nawala ang antok ko sa ginawa niya. Bakit parang habang tumatagal, mas gumaguwapo siya sa paningin ko?
Damn, JD. I'm gonna sue you for being too handsome.
“Still sleepy?” malambing niyang tanong habang buhat-buhat akong lumalakad palabas ng kwarto.
'And this man I want to sue for being too handsome is mine!' I shouted in my mind.
Umiling ako sa tanong niya dahil iyun ang totoo kaya humalakhak siya. Napanguso ako para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko.
Ilang araw na ring ganito ang bumubungad saakin tuwing umaga. Dahil tulad ng sinabi niya, nananatili siya rito sa bahay hangga't hindi gumagaling ang bali ko. Alagang-alaga niya ako. Naisip ko tuloy, may magandang nadulot din ang pagkapilay ko dahil naramdaman ko na ring alagaan ng isang JD. Mas gusto ko pa yatang mabalian habang buhay kung si JD naman ang mag-aalaga saakin.
I wanted to laugh on that thought.
Samantala, pumayag naman si Kuya sa pagtira pansamantala ni JD dito sa bahay or should I say, napilitang pumayag dahil alam naman niyang wala siyang magagawa sa gusto ni Mommy. Pero ayun nga. Maraming kondisyon si Kuya. Isa na ruon na huwag matutulog si JD sa kwarto ko. Kaya ayun, sa guestroom natutulog si JD. At ang ibang kondisyon? Hindi ko na alam.
Nang makarating kami ni JD sa dining room, maingat niya akong inupo sa upuan. Siya na rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Gusto ko pa sana siyang pigilan pero alam ko namang wala na akong magagawa. He’s always like this, everyday.
“That’s too much, JD. I can't eat it all.” sabi ko nang mapansing gabundok na naman na pagkain ang nilagay niya sa plato ko, as usual.
His brows furrowed, “No. You should eat it all. Tingnan mo nga. Nangangayayat ka na.”
Napatingin ako sa katawan ko saka ako hindi kapaniwalang tiningnan siya.
Oh my God! Anong nangangayayat ang sinasabi niya? Pakiramdam ko nga tumataba na ako dahil ilang araw na niya akong pinapakain nang gabundok na pagkain. Umagahan, tanghalian, at hapunan.. dagdagan pa ng miryenda. Kaya sinong hindi tataba sa ginagawa niya.
“But —”
He gave me a peck that made me stop from talking, “No buts,” he said, “Eat it all if you don’t want me to get mad at you.” he added.
Napasimangot ako sa pananakot niya. Ngumisi naman siya saka umupo sa harapan ko, kaharap ang laptop at papeles niyang ilang araw na rin niyang dito tinatrabaho sa bahay.
Sa ilang araw niyang paggawa ng trabaho niya rito sa bahay, napansin ko kung gaano nga siya kaabala. Kabila-kabilang tawag ang sinasagot niya. Araw-araw rin, gabundok na dokumento ang dinadala ni Nikka rito sa bahay para papirmahan sa kanya. Pirma rito, pirma ruon ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomansaFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...