Kabanata 30
Marry
Nang magising ako kinabukasan, agad kong ni-check ang daliri ko nang maisip na baka isang panaginip lang ang nangyari kagabi. Pero nang makita ko ang napakagandang singsing na nakasuot sa ring finger ko, hindi ko na napigilan ang ngiti ko.Sa sobrang ganda ng singsing, hindi ko na alam kung paano ko ilalarawan ito. It's an oval cut ring. Kumikinang ang diyamanteng nasa gitna nito kapag itinatapat ko sa ilaw.
Marahan kong hinaplos ang diyamanteng nasa gitna habang nakangiti.
JD’s proposal was not the same as the proposal that other woman dream of. Like, dinner dates, dating in park, proposal in public and so on.
Hindi ko kailangan nang magarbong proposal tulag nang pinapangarap ng iba dahil para saakin, JD’s proposal was the best proposal that ever happened.
I couldn't help but smiled what he said after he proposed.
“Fuck. That was not my plan.” he said and buried his face on my neck.
“Not your plan?” tanong ko habang marahang hinahaplos ang singsing sa daliri ko.
He nodded, “Sa isang buwan ko pa sanang balak mag-propose sa’yo. I want it to be grand and special.”
“So... babawiin mo pa ‘to?”
Mas lalo niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. Humigpit din ang yakap niya saakin, “No. You're already mine. You’re engaged to me. You're my fiancee now.”
Natawa ako, “Eh sabi mo, gusto mo special at engrande. I want that too. Kaya ulitin mo.” biro ko, natatawa.
Bahagya akong napadaing nang bahagya niyang kagatin ang balat sa leeg ko kung saan siya nakasiksik.
“Stop it, Alejah. Ayaw ko nang ulitin. Baka humindi ka pa kapag tinanong kita ulit.”
“But I want it grand and special!” pangungulit ko, natatawa pa rin.
Napatigil lang ako nang iangat niya ang ulo niya para patakan ng halik ang labi ko, “Ibang okasyon na lang ang gawin nating engrande.”
Kumunot ang noo ko, “What occasion?”
“Our wedding.”
Hindi na niya hinintay ang reaksyon ko, muli niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. Hindi na niya napansin ang pag-awang ng bibig ko.
Mas lumawak ang ngiti ko matapos kong maalala ang nangyari kagabi.
I still couldn't believe that I'm already engaged to him. Tinanong ko lang naman siya kung mahal niya ako pero higit pa ruon ang natanggap kong sagot. Proposal talaga?
Bumuntong-hininga ako saka ko sinubukang iapak ang paa ko sa sahig. Sinubukan kong dahan-dahang tumayo. I can still feel the pain on my legs but it's not that hurt like before na kailangan ko pang gumamit crutch kapag wala akong katulong. Kung baga, kaya ko nang tumayo at lumakad mag-isa.
Maingat akong naglakad palabas sa kwarto ko. Malaki ang ngiti ko dahil excited akong ipaalam sa mga tao sa bahay ang tungkol sa engagement ring ko. Naiisip ko na agad ang magiging reaksyon ng pamilya ko, lalo na ni Kuya. Malamang, hindi iyun matutuwa. Sa halip na matakot, gusto kong matawa.
“Stop meddling with my life!”
Napahinto lang ako at agarang napawi ang ngiti ko nang marinig ko ang pagtataas ng boses ng kapatid ko. Nang tumingin ako sa baba, nakita kong matalim itong nakatingin kay Ate Mina na nakatayo sa harapan niya. Hindi ko makita ang reaksyon ng mukha ni Ate Mina dahil nakatalikod siya sa banda ko.
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...