Chapter 3.💖

85 6 0
                                    

VINA POV

Ng natapos kami mag usap, pumasok na kami sa sarili naming room, habang nag le-lesson si ma'am, bigla akong nauwaw.

Napa ngiti ako at kinuha ang cp ko, eto na ang oras para gawin ang plano.

To Kevin Francis..

To: Kevin nauuwaw ako, ibili moko ng pineapple juice, bilisan mo oorasan kita ng 5 minutes at pag di ka dumating pag katapos ng 5 minutes, may punishment ka.

Fr: Pero may klase pa kami.

To: bahala ka, yung 5 minutes mo baka maubos na.

Yun ang tinext ko, whahaha.. tingin ako ng tingin sa oras at 4 minutes na wala pasya.. malapit na mag 5 minutes.

And 3.. 2.. Biglang natigil si ma'am sa pag susulat sa black board ng may mabilis na pumasok sa room at hingal na hingal na nilapag nya ang pineapple juice ko.

Ngumiti naman ako sa kanya at tiningnan sya Mula ulo hanggang paa, pawisan, pagod at hingal na hingal sya halatang tumakbo.

" Thank you.." Sabi ko at nginitian sya.

" Ok naba yan?." Hihingal hingal na tanong nya. Naka ngiti akong tumango kaya lumabas na sya.

Tiningnan ko ang mga classmates ko na nanlalaki ang mata sa gulat, halos pigil hininga nga sila eh hahaha..

Ininom kona ang pineapple juice ko, at tinext ulit si Kevin, hahaha..

To Kevin Francis..

To: Kevin sunduin moko dito pag tapos ng class namin, sabay tayong mag lunch at ikaw rin ang oorder ng food..

Sabay send, natatawa tawa naman ako, siguradong naka simangot nayon ngayon hahaha..

Mabilis na tumakbo ang oras at inayos kona ang gamit ko, kukuhanin kona sana ang libro sa desk ko ng may mag salita..

" Vina sakto lang diba ako!?." Tanong nya, ngumiti naman ako at tumango.

" Oo sakto kalang, ngayon ikaw ang mag dala ng libro ko, mag babasa kasi ako dun sa cafeteria." Ngiting sabi ko, kaya napa simangot sya..

" Hindi ba peding ikaw nalang?."

" Diba sabi mo gagawin mo ang lahat?." Pag papaalala ko sa kanya.

Naka simangot at naka baksak balikat panyang kinuha ang mga libro ko sa desk..

" Ano? Tina tamad ka?." Tanong ko, kaya agad syang umayos ng tayo at nag sigla siglahan at ngumiti sakin at umiling iling.

" Hindi no! Kita mo naman ang gaan gaan ng libro mo, kayang kaya ko!." Sabi nya natatawa naman akong napa iling iling at lumabas na ng room..

Pasimple kosyang tinitingnan sa gilid ko, naka simangot lang sya, pero pag napapansin nya na tumitingin ako sa kanya ngumingiti sya.. pshh galing lang umarte ng lalaking ito.

Ng dumating kami sa Cafeteria, nag tataka pa sila ng makitang kasama ako ni Kevin..

" Order kana ng food." Sabi ko ng maka upo nako, nilagay nya ang libro sa mesa at umalis na.

Kinuha ko ang science book at nag basa habang hinihintay sya, hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan. Ganon talaga ang mga chismosa di na nakakapag taka..

" Yuck naman, bakit kaya mag kasama si Tabatchoy at si Kevin?."

" Etong Tabatchoy nato! Bakit nya pinag dadala ng libro si Kevin!?."

The Handsome and famous guy, fall in love to the Ugly fat girl.Where stories live. Discover now