EJ POV.
Ngayon nandito na kami ni Vina sa school, nag lalakad lakad.. maya maya biglang nag vibrate ang cp ko.
Kinuha koyon sa bulsa ko at tiningnan kung sinong nag text..
From Rica Francis..
Fr: kuya Ej.. mag kita tayo sa rooftop ng school nyo.
To: Ok.. wait me there..
Pag katapos nilagay kona ulit sa bulsa ko ang cp ko. Tiningnan ko si Vina, hindi ko sinabi sa kanya na nakikipag kita ako sa kapatid ng manliligaw nya.
Ayaw kasi ni Rica na sabihin ko, Ewan ko kung bakit, ng makita ko naman sila Kevin at Darren na papalapit tiningnan ko ulit si Vina..
" Hi Vina.. Tara na." Si Kevin.
" Huh?."
" Nakalimutan mona ba? Sabi mo kahapon mag da-date tayo."
" Oo nga, pero may pasok oh."
" Hayaan mona, tara na." Pilit ni kevin
" Vina.. alis lang ako ah, may pupuntahan lang ako."
" Huh? San ka pupunta?."
" Basta, oh pano alis nako.. kayo ng bahala kay Vina." Paalam ko at tumakbo na paalis.
Pumunta nako sa Rooftop, at nakita kosyang naka talikod at naka kapit sa railing. Nilapitan kosya.
" Ano na?."
" Anong ginagawa ng brother ko ngayon?."
" May date sila ni Vina ngayon." Sabi ko, pansin ko naman na napa higpit ang kapit nya sa railing.
" Ganon? May date pala sila kahit may klase."
" Ano bang dahilan mo Rica at gusto mong sabihin ko sayo lahat ng ginagawa nila?." Tiningnan nya ako.
" Malalaman morin, pero di pa ngayon." Sabi nya, hyys..
" Sabihin mo, ayaw moba silang maging sila?." Tanong ko at sumandal sa railing at nag cross arm.
" Mind your own business." Sabi nya at kumapit sa railing, nakakainis naman ang babaeng ito, kala mo kung sino psh.
" Mag twin ba kayo ni Kevin?." Tanong ko, kaya napa tingin sya sakin.
" No."
" Eh bakit parang di naman nalalayo ang edad mo sakin? o kaya kay kevin?."
" Hyys.. ang dami mong sinasabi, lalaki kabang talaga? Ang dal dal mo kasi eh, dinaig mopa ko." Sabi nya, Grr nakakainis nato ah!
" Eh kaya monga ako pina punta dito para makipag usap diba? Tas magagalit ka pag ang dami kong sinasabi tss." Inis na Sabi ko..
" Hyys.. Puro walang kwenta naman kasi ang pinag sasabi mo."
" Sa tingin mo may kwenta rin ang gawin akong parang espiya sa nangyayare sa kanila? Nagiging stalker ako alam moyon? Hindi konga alam kung bakit ako simusunod sayo."
" Eh baliw ka naman pala eh, bat ka sumusunod tas ngayon mag rereklamo ka."
" Psh.. katulad kalang ni Kevin. wala kang modo sa nakakatanda sayo o ewan." Tiningnan nya ako ng masama.
" Subukan mong pag salitain ulit si Kevin ng ganyan, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Banta nya.. psh, para naman natakot ako sa sinabi nya.
" Psh.. totoo naman ah, tingnan mo. Kevin lang ang tawag mo sa kuya mo. Tss kakaiba karin kapatid no."
" Listen boy.. kahit na babae ako, marami akong nagagawa, kaya kung ako sayo.. mag ingat ka, baka di mo namamalayan pag gising mo, wala na ang iniingatan mong wag masira." Sabi nya.. at tiningnan ako ng nang aasar na tingin..
YOU ARE READING
The Handsome and famous guy, fall in love to the Ugly fat girl.
FanficIsang High school student, nakakilala ng mayaman at sikat na lalaki sa campus nila.. nag ka crush ang babae sa sikat at pinag kakaguluhan ng mga babae, pero unexpected lagi syang nilalapitan ng lalaki.. hanggang sa dumating na gusto ng manligaw ng l...