VINA POV.
Ng matapos akong umiyak, nakaramdam ako ng hiya sa kanya, naka tungo lang ako habang nasa tabi kosya.
" Ahhm.. Vina ok kana ba?." Tanong nya, tumango naman ako.
" Oh.. uminom ka muna." Sabi nya, umiling nalang ako, napa buntong hininga naman sya.
Nagulat ako ng kapitan nya ang muka ko at iniharap sa kanya, tinitigan nyako sa mata.
" Vina, kalimutan mona kung anong nangyare sa nakaraan mo, tandaan mo, iba ang ngayon sa noon.. kung sino man yang nanloko sayo. Ibahin moko." Sabi nya..
Nag buntong hininga ako at nag iwas ng tingin, tama naman sya.. pero di ko kasi kayang pigilan di masaktan ulit pag naaalala koyon.
" Kalimutan nalang natin ang nangyare ngayon, nakakahiya nag drama pako dito." Sabi ko, bahagya naman syang natawa.
" Ok lang yon, wag mong pansinin pag may naka kita sayo. Sarili mo naman yan eh." Sabi nya, bahagya kosyang nginitian at tumayo na.
" Tara na, kukunin kopa ang bag ko sa tambayan." Sabi ko, tumango nalang sya, at nag lakad na kami.
" Vina.. Hindi ba talaga ako peding manligaw? Ligaw naman di naman agad boyfriend." Tanong nya ulit.
" Ayoko nga Kevin."
" Bakit kasi di mo ulit subukan? Vina.. mag kakaiba ang tao, pangako ko sayo hindi kita lolokohin, Vina.. kung nasaktan kaman noon.. kalimutan mona kasi hindi talaga sya ang tamang tao para sayo, kung yun ang tamang tao para sayo, hindi sya mawawala. malay mo ako na pala ang hule mo." Sabi nya kaya natigilan naman ako sa pag lalakad at tiningnan sya.
" Sabihin monga Kevin, gusto moba ko?." Tanong ko.. hindi ko alam kung seryoso sya o nag bibiro lang, gaya nalang ni Marco, nadala ako sa pakitang tao nya. Pero napaka sama pala nya.
" Hinde.." Sagot nya.
" Eh bakit gusto mokong ligawan kung di mo naman pala ako gusto?." Tanong ko ulit, napa iwas naman sya ng tingin.
" K-kasi.. Ano.." Nauutal na sabi nya.
" Ano?."
" Kasi.. Kasi.. M-mahal kita." Nauutal at hirap na hirap na sabi nya, napa kunot naman ang noo ko.
" Wag mokong pinag loloko kevin ah, sinasabi ko sayo, ipapatapon kita sa gitna ng dagat." Sabi ko, kunot noo nya naman akong tiningnan sa mata.
" Vina naman, ilang beses koba kailangan ulit ulitin ang salitan hindi ako nag bibiro, totoo yon."
" Kevin, naiinis nako."
" Vina.. Totoo mahal talaga kita." Sabi nya, at kusa nalang gumalaw ang kamay ko at nasampal kosya.
" Tamana Kevin, ayoko ng makakarinig ng ganyan, magagalit na talaga ako sayo pag inulit mopa yan, seryoso din ako sa sinabi ko Kevin." Sabi ko sabay alis..
Kinuha ko nalang ang bag ko sa tambayan nila at umalis na.
* * * * *
Ng maka rating naman ako sa bahay, agad kong binaba sa sahig ang bag ko at nahiga sa sofa.
Tiningnan ko ang kamay ko, bat koba ginawa yon? Aishh.. Oo nga pala, mag so-sorry pako kay Ej.
Bumangon ako at naupo, siguro kaya naiinis parin ako pag nakakarinig ng I love you at Mahal kita, siguro dahil haggang ngayon di pako nakaka move on kay Marco, kaya nililibang ko ang sarili ko para di sya maisip.
" Siguro nga di pako nakaka move on. Natrauma na yata ako dahil sa nangyari noon, kaya hindi kona nalalaman kung seryoso ang iba o hinde." Bulong ko sa sarili ko at nahiga ulit.
YOU ARE READING
The Handsome and famous guy, fall in love to the Ugly fat girl.
FanfictionIsang High school student, nakakilala ng mayaman at sikat na lalaki sa campus nila.. nag ka crush ang babae sa sikat at pinag kakaguluhan ng mga babae, pero unexpected lagi syang nilalapitan ng lalaki.. hanggang sa dumating na gusto ng manligaw ng l...