Chapter 37.💖

31 5 0
                                    

EJ POV

Ngayon nandito kami sa bahay nila Vina, umiinom kami ng kape..

" Tenchi, may alam kaba kung nasan ang dalawang yon?." Tanong ko.

" Hindi korin alam, ang akala ko.. ihahatid lang ng kevin nayon si Vina dito, pero mukang sa iba sila nag palipas ng gabi." Sabi nya..

Kaasar, nakakainit talaga ng ulo ang lalaking yon, biruin mo.. kahit na nasaktan nya si Vina ng tatlong taon, naging sila parin, walang hiya.

" Wag kang masyadong pahalata, muka mo palang halatang halata na ang iniisip mo." Kalmadong sabi nya.

" Hoy Tenchi! Aminin moman o sa hindi, alam natin dalawa na may gusto karin kay Vina!." Sabi ko, bigla naman syang natawa at nilapag sa lamesa ang tasa.

" Yan na siguro ang pinaka nakakatawang joke na narinig ko sa buong buhay ko Ej hahaha.." Sabi nya.

" Wag kangang tumawa! Bakit ba ayaw mopang aminin? Bata palang tayo, diba gusto mona sya?." Tanong ko, tumigil naman sya sa pag tawa at sumandal sa sofa.

" Alam mo Ej, kung ano man ang nakikita mo simula noon, nag kakamali ka." Sabi nya, kaya naguluhan ako.. tumingin naman sya sakin.

" Mahal kosya.. parehas ko kayong Mahal dahil mga kapatid na ang turing ko sa inyong dalawa, Mahal kosya bilang kapatid.. kahit kailan di ako nag kagusto sa kanya, dahil ang alam kong totoong may gusto sa kanya simula noon, walang iba kung hindi ikaw yon Ej." Sabi nya..

Natigilan naman ako, kung ganon.. di ko pala sya karibal simula noon pa, yung mga ka sweetan na ginagawa nya ay dahil yun ang pag papakita nya ng pag mamahal bilang kapatid saamin.

Maalaga at maalalahanin si Tenchi simula noon, Wala syang kina kampihan dahil kaming dalawa ni Vina ang parehong gusto nya.

" Wag kanang maguluhan Ej, nasabi kona ang dapat, kaya kung ako sayo.. hanggat may pag asa, lumaban.. tingnan nalang natin kung sino sa inyong dalawa ni Kevin ang mas matimbang." Ngising sabi nya..

" Pano ko naman gagawin yon eh sila nangang dalawa?." Naka cross arm na sabi ko..

" Eto naman, parang di tunay na lalaki.. kung sakaling mahalin ka ni Vina, hindi posible na hindi nya iwan si Kevin.." Sabi nya..

" Wala akong maisip kung pano ko gagawin yon, Isa pa.. kina kabahan ako, lalo na pag aamin na.. pano pa kaya kung kikilos nako?." Sabi ko.. ngumiti sya at tinap ang balikat ko.

" Tutulungan kita, hanggat di pa nag sisimula, wala pang makakaalam ng resulta, kaya hanggat maaga tatagan mo ang loob mo kung ayaw mong tuluyan kang lamunin ng kahinaan mo." Sabi nya.. bahagya akong ngumiti dahil sa pag papalakas ng loob nya..

" Salamat Tenchi, kung wala ka wala rin ako." Sabi ko.. bahagya naman syang natawa.

" Wag mong sabihin yan, ang sabihin mo kung wala ang parents mo wala karin hahaha." Sabi nya, kaya natawa nalang din ako.

* * * * *

Nag intay pa kami ng ilang mga oras at dumating nanga sila Vina, nagulat panga kami sa biglaang pag bukas ng malakas ng pinto at pumasok ang galit na si Vina, at sobrang sama ng tingin..

Kasunod si Kevin na kala mo ang laki ng kasalanan dahil sa itsura nya, at parang nag away ang dalawa.

" Kasisimula palang nila ganyan na agad? Sabi ko naman sayo may pag asa kapa ej." Sabi nya, at bahagya akong sinuntok sa balikat.

" Bilis.. kumilos kana." Sabi nya sabay tulak sakin patayo.

" Teka anong gagawin ko?."

" Gamitin mo ang Power mo." Sabi nya, huh? Anong power na sinasabi nya? Di ako super hiro para mag karon ng power.

The Handsome and famous guy, fall in love to the Ugly fat girl.Where stories live. Discover now