VINA POV.
Lumipas ang dalawang araw at ngayon na ang alis ko, si Teresa naman di ko ma kontak sabi nya bumalik nadaw sya ng London.
" Anak.. Aalis kaba talaga? Hindi kana ba namin mapipigilan?." Malungkot na sabi ni mom, kinapitan ko ang kamay ni bunso at pinisil.
" Hindi napo mom. Kailangan kona po talagang umalis." Sabi ko.. nasa sasakyan na kasi lahat ng gamit ko.
" Osya mag iingat ka nalang anak." Sabi ni dad, tumango naman ako.
" Opo.. kayo din po, bye bye na baby boy, aalis na si ate.. sorry kung di kita makakasama sa unang Christmas mo. Wag kang mag alala babawi si ate, sige mom una napo ako." Sabi ko tumango naman sila.
Sumakay nako ng Van at binuksan ang bintana.. kumaway ako ganon din sila hanggang sa maka alis nako.
Mamimiss ko sila ng sobra.. hyys, Oo nga pala, hindi ako nakapag paalam kay ej, tatawagan ko nalang sya mamaya.
Habang nag ccp ako, bigla nalang tumigil ang sasakyan, takang tiningnan ko naman si manong, Hindi naman traffic ah?
" Bakit po manong?." Tanong ko, mag sasalita na sana sya ng mag bukas ang dalawang pinto at pumasok ang dalawang lalaki.
" T-teka.." Sabi ko habang tini tingnan ang dalawa, umandar na ulit ang van.
" Vina.. kailangan mong sumama samin, si Kevin kasi.." Malungkot na sabi ni Winston at puno ng kaba.
" A-ano bang nangyare ah? Hindi ako pedeng sumama sa inyo, baka ma late ako sa flight ko." Sabi ko..
" Hinde.. baka kasi eto na ang huling pag kakataon mo na Makita sya."
" Bakit ba?."
" Malalaman morin." Sabi ni Darren, yan ang ayaw ko eh, ang pinag iintay ako, sasama ako ng di alam ang dahilan.
Pumunta kami sa hospital, ano naman ang gagawin namin dito?
" Tara.." Higit sakin ni Winston..
" Ano ba kasing nangyayare? Pede bang sabihin mo nalang!?." Inis na sabi ko..
Hindi na sya nag salita at pumunta kami sa isang private room.
" Ano bang gagawin namin dito?." Bulong ko sa sarili ko, tiningnan ko ang naka higa sa kama at naka taklob ang buong katawan, Sino bayon?
" Sige na.. puntahan mona sya, sabihin mona ang gusto mong sabihin." Naiiyak na sabi ni Darren, ngayon kolang sya nakitang emotional, kaya kinabahan naman ako, pati si Winston naiiyak na kaya tumalikod sya.
Dahan dahan akong lumapit at naupo sa tabi ng bangkay, dahan dahan kong inangat ang kumot. Pero bago ko paman makita, nakita kong pumasok sila tita Denise at si Tito Akkun, pati narin si Rica at ang boyfriend nya, pare parehas namamaga ang mga mata.
Napa lunok naman ako ng umiyak ng malakas si tita Denise at yumakap kay Tito Akkun..
Tinanggal kona ang kumot at napa takip bibig nalang ako ng Makita si Kevin na naka higa.
" Sabi nya.. P-pupuntahan kadaw nya kahapon, para kausapin na wag ng umalis.." Sabi ni Winston at napatakip bibig sya dahil nanginginig ang bibig nya, naluha nalang din ako.
" A-ayaw kanyang umalis.. K-kasi di daw nya kayang mabuhay ng wala ka." Sabi ni Winston..
Tiningnan ko si Kevin, sobrang putla nanya at tuyo narin ang labi nya, kinapitan ko ang kamay nya, malamig narin ito..
" K-kevin.. I'm sorry, kasalanan koto eh.. Please mabuhay ka, H-hindi kopa nasasabi sayo ang gusto kong sabihin, d-diba nung huling pag sasama natin? Nung huling date natin, Sabi ko may sasabihin ako sayo? K-kaya pano kona sasabihin sayo ngayong wala kana!?." Sabi ko sabay iyak, Alam kong galit ako sa kanya dahil sa panloloko nya, pero hindi ko mapigilan eh, Mahal kosya..
YOU ARE READING
The Handsome and famous guy, fall in love to the Ugly fat girl.
FanfictionIsang High school student, nakakilala ng mayaman at sikat na lalaki sa campus nila.. nag ka crush ang babae sa sikat at pinag kakaguluhan ng mga babae, pero unexpected lagi syang nilalapitan ng lalaki.. hanggang sa dumating na gusto ng manligaw ng l...