Chapter 19.💖

40 4 0
                                    

VINA POV.

" Vina! Vina Uy!." Tawag sakin ni Kevin, ngayon nandito kami sa labas naka upo sa bench, tambay lang.

" Bakit?." Tanong ko, isang linggo na ang lumipas ng maka usap ko si teresa sa room.

" Vina.. ano bang nangyayare sayo? Bakit ba palagi kang tulala pag mag kasama tayo?."

" Ah ganon ba, pasensya kana ah." Kakamot kamot na sabi ko. Nag aalala nya naman akong tiningnan.

" Alam mo Vina, pansin ko na unti unti kanang nag babago."

" Huh?."

" Hindi kana nag tataray, palagi kang nag so-sorry pag may di ka napapansin, palaging ang lalim ng iniisip mo.. ano bang nangyare sayo?." Tanong nya, napa iwas naman ako ng tingin.. aishh.. hindi nya dapat nahahalata yon.

" Pansensya na talaga.. siguro stress lang."

" Ngayon kolang nalaman na, na I stress ka pala, kasi dati naman.. masayahin ka at laging nag babasa. Wala ka naman masyadong ginagawa at iniisip, pero ngayon stress ka.. ano bang pinag kakaabalahan mo?."

" Ahhm.. dahil lang siguro to sa mga iniisip ko, iniisip ko kung pano madalaw ang parents ko, miss kona sila.. pero di ko naman alam kung pano sila makikita." Sabi ko, kahit alam kong di sya naniniwala tumango nalang sya..

" Vina.. wag muna kaya tayong pumasok bukas."

" Bakit naman?."

" Eh kasi.. Sabi mo stress ka, kaya naisipan ko na makapag relax ka.. wag mo munang intindihin ang mga iniisip mo, mag enjoy muna tayo bukas, sana kahit papano mabawasan ang pag ka stress mo."

" Salamat sa concern Kevin.."

" Wala yon.. gusto kolang naman ibalik ang dating Vina na pinaka mamahal ko." Sabi nya, bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko at napa tungo nalang.

Ngayon nalang ulit ako naka ramdam ng kilig, ngayon nalang ulit ako naka ramdam ng init sa muka, at ng dahil yon sa kanya.

" Salamat." Yun nalang yung nasabi ko. nag paalam nako sa kanya at pumunta sa locker ko, nakalimutan ko kasi ang notebook kodon.

Pag bukas ko, nagulat ako ng may nakita akong box na kulay itim, di naman kalakihan.

Kinuha koyon at binuksan, halos maluha at masuka ako sa nakita ko, isang ulo ng uwak, pugot at duguan. May mga lantang rosas din.

Kinuha ko ang papel na naka patong sa locker ko at binasa.

Wag kang mag enjoy ng sobra.. tandaan mo, di pa tayo tapos mag laro. Sigurado akong magagaya kadyan sa ibon nayan, kaya mag ingat ka. Whahaha!

Yun ang naka sulat, agad kong tinapon ang box sa basurahan.. mabilis konang kinuha ang notebook ko sa locker at pumunta sa room.

Nag sisimula na ang lesson, naupo agad ako.. sino kabang talaga? Bakit mo ginagawa sakin ito? Bakit gusto mokong patayin? Ano bang nagawa ko?

* * * * *

Ngayon ay lunch time na, mag kasama kaming pumunta ni Kevin sa cafeteria, si Winston may kasama nanaman daw babae, at si Darren may pinuntahan.

" Dyan kanalang, ako ng oorder." Sabi ni Kevin, tumango naman ako, pag kaalis nya, sobra akong kinabahan.

Natatakot nako, dahil pag nakakatanggap ako ng death threat, hindi ko alam kung kelan at anong oras sya aatake..

" Ikaw ba si Vina?." Tanong ng lalaki, takang tumango naman ako, bigla syang napa ngisi at agad agad may dinukot sa likod nya.

" HUMANDA KA!!." Sigaw nya, buti nalang naka layo ako ng konti at naharang ko ang braso ko at yun ang nahiwa, kung hindi nahiwa na ng lalaking ito ang leeg ko.

The Handsome and famous guy, fall in love to the Ugly fat girl.Where stories live. Discover now