Chapter 22.💖

37 4 0
                                    

VINA POV.

Ngayon naka upo lang kami ni Ricky habang naka tingin sa mga taong nag sasaya.

6 na kasi, tas nag imbita pa si Teresa ng iba pang kakilala nya, mga nag swi-swimming sila at nag kwe-kwentuhan.

Kami naman dito ni Ricky, nainom lang ng lemon juice..

" Vina.. punta tayo sa Rooftop."

" Huh? Bakit naman?."

" Tingnan natin ang mga stars.."

" Pero kita naman dito ah."

" Hinde.. gusto ko kasi tayong dalawa lang, Isa pa ang ingay dito mas maganda diba kung tahimik." Sabi nya, napa tango nalang ako..

" Sige.." Sabi ko, kaya napa ngiti sya.. tumayo na kami at nag lakad papunta sa rooftop..

Madilim pero ang bwan ang nag sisilbing liwanag namin, kumapit kami sa railing at tumingin sa langit.

Mahangin at ang sarap pala sa pakiramdam na tumambay dito kahit gabi, di kopa kasi yon nasusubukan.

" Ang saya tumambay dito no?." Ngiting sabi nya habang naka tingin sa langit.

" Oo nga.. ngayon lang ako naka punta dito ng gabi." Sabi ko habang naka tingin sa kanya, tumingin naman sya sakin ng may ngiti.

" Alam mo, sobrang saya ko."

" Psh.. natural lang yan, kasi wala ka namang dahilan para malungkot."

" Hinde yon.. ibig kong sabihin, ngayon lang ako naging masaya ng ganito. alam mobang matagal konang iniintay na maging malapit sayo at maging maayos ang pag sasama natin, yung bang di ka nagagalit.." Sabi nya..

" Huh?."

" Kasi.. lagi ka nalang tuma tanggi pag inaaya kita, kahit mamasyal manlang o makipag kwentuhan." Sabi nya, napa iwas nalang ako ng tingin.

" Pasensya kana Ricky.. Alam mo naman na seryoso lang ako sa trabaho." Sabi ko..

" Alam koyon, buti nga at nakakapag relax kana ngayon, sana mag tuloy tuloy nato, sana maging close tayo." Sabi nya, tiningnan kosya..

" Sure.. walang problema, basta ayoko lang ng makulit.."

" To naman, alam mo naman na makulit ako eh." Naka simangot na sabi nya, bahagya naman akong natawa.

" Whoaa! Tumawa ka?." Di maka paniwalang sabi nya.

" Thank you Ricky.. 3 years past nung tumawa ako, salamat." Sabi ko.. bigla naman syang namula at napa takip mata nalang.

" Oh Yeah? Buti naman, at.. mas lalo kang gumanda ng tumawa ka, bagay sayo.." Sabi nya, bigla naman akong nahiya at nag init ang muka ko.

" Psh.. Hindi mona kailangan sabihin yan Ricky.." Sabi ko, tinanggal nanya ang kamay nya at nginitian ako.

" Sana.. Lagi ka nalang ngumiti."

" Baliw.. ngingiti ng walang dahilan? Masabihan pako ng baliw." Sabi ko. Kaya bahagya syang natawa..

" Wag kang mag alala.. ako naman ang magiging dahilan ng pag ngiti mo, kaya hindi kana nila sasabihan ng baliw." Sabi nya, bigla naman akong namula..

Ngayon nalang ulit ako namula, at dahil yon sa kabaliwan ng isang to, grabe hahaha..

After One week..

Maaga kaming gumising, mga 4.. dito narin natulog si Ricky para sabay sabay na kami..

9 ang flight namin, maaga kaming aalis at baka matraffic pa kami.

" Ready naba? Wala nabang nakakalimutan?." Tanong ni Teresa.

The Handsome and famous guy, fall in love to the Ugly fat girl.Where stories live. Discover now