LUCY's POV
Gabi na noon, mga 7:30 pm at wala akong kasama sa bahay. Nagpatulong kasi si mama kay kuya para mag-grocery. Biglang nagtext sa akin si Katy. Pinapupunta niya ako sa bahay nila.
Agad naman akong pumunta. Pagkatapos pagdating ko sa bahay niya or bookstore eh nakasaara naman ang pinto. Katok ako ng katok pero wala pa din si Kathy. Pero nung nagdecide na akong umuwi saka palang siya lumabas. Nakangiti niyang sinabing pumasok na daw ako at umaambon na. Kaya pumasok na ako. Pero medyo naweweirdohan talaga ako sa kanya. Kanina nakatulala siya at parang wala sa sarili tapos ngayon ngiti-ngiti siya.
Sa loob ng bahay niya.
Nakapatay lahat ng ilaw at ni wala man lang ako makita. Super dilim.
"Kathy wala bang power?"
Kaso hindi siya sumagot sa tanong. Hinanap ko siya pero di ko siya makita.
"Kathy! Nasaan ka! sindiin mo ang mga ilaw." Sigaw ko.
Medyo takot pamo ako sa dilim. Tapos ang weirdo pa ni Kathy. Naku! Kinapa ko sa likuran ko yung door knob. Noong mahawakan ko na. Bubuksan ko na sana kaso nakasara. The door is locked. Sumabay pa ang napakalakas na kiglat. Kaya napa-upo nalang ako at nagtakip ng tengga. Napakalakas ng ulan.
Sigaw pa din ako ng sigaw.
"Kathy! Kathy!"Pero wala pa din. Kinuha ko agad yung phone ko at tinawagan si kuya. Pero hindi niya sinasagot.
Tinawagan ko din si mama. Pero wala pa din.
STEFFI's POV
3 hours ago. Sa bahay nila Matteo at Steffi.
"Matteo mag-ayos kana. At baka malate tayo. Kailangan daw nating makapunta ng maaga doon." sabi ko sa asawa ko.
"Oo Steffi. Maliligo na ako."
At ayun nagprepare na din ako. Medyo excited ako sa mangyayari. At minsan lang mangyari ito. Naalala ko bigla si sis Thania. Baka makalimutan niya na may lakad sila ni Matteo.
"Hello Steffi?"
"Hello sis Thania. nasaan ka ngayon?"
"Ito na sa taping pa. Pero paalis na kami niyan. Nakaready na din ako."
"Oo sige."
"Steffi si Winston parang nakakahalata na siya."
"What? Pano mo nasabi?"
"Tinatanong niya kung nasaan daw si Matteo. Dapat daw nasa tabi ko siya lagi."
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...