SOFFI's Point of View.
Pagkaraan ng ilang linggo after namin magtake ng exam sa wakas may dumating din na sulat galing sa SEO University. And Good News dahil nakapasa kami ni Ate Lian! Sa wakas hindi ko na kailangan pang magwork dahil sa scholarship na ito. Ang saya talaga sa pakiramdam. Sa wakas. New Life, New School, New Friends. Excited na ako.
Lumipas ang isang buwan at nagstart na ang klase sa SEO university. Tinignan ko yung bulletin board kung saan nakapost yung mga rooms. Ako ay naassigned sa room Room 4-A. Medyo mataas na ha. Buti nalang may elevator at hindi masyadong sasakit ang paa ko.
Pagkadating ko sa room nakita ko ang mga bago kong classmates. Umupo ako sa pianka harap para makapagfocus ako sa lessons. Ilang sandali lang saka pumasok si Teo sa room.
Tinawag ko siya siyempre. Nag hello siya sa akin.
"Soffi magkaklase pala tayo."
Saka ako ngumiti.
"May nakaupo ba sa tabi mo?"
"Wala." Sagot ko.
Saka siya tumabi sa akin. Pagkatapos ay may binulong siya. "Matalino ka di ba. Pakopya ha."
Alam ko naman na nagbibiro lang siya.
8:am ang start ng klase namin at hanggang 3pm ito ng hapon. Natapos ang 3 subjects ng maayos. At last isa nalang na subjet at makakauwi na ako.
"Anong subject kasi yung pang last soffi?" Tanong ni Teo. Kaya tinignan ko yung schedule.
"Life Science." Sagot ko.
Saka biglang pumasok sa classroom si Mrs. Shin.
Patay prof. namin ang masungit na Babaeng ito. Pano nyan. Baka mahirapan ako.
"Good Afternoon. I'm Mrs. Evelyn Shin..." Sinabi niya pagkadating niya sa harap.
"...and I'm here...(cough)" bigla siya napaubo kaya di niya natuloy ang sasabihin niya.
"Excuse me..." Ayun buti nagexcuse siya.
"I'm here to introduce to you our new professor in our university."
Talaga? Talagang talaga? Sobrang saya ko nung marinig ko yun. Meaning hindi si Mrs. Shin ang prof namin for this subject! Magdiwang!
"He will be your prof in this subject." Dagdag pa niya.
Saka pumasok ang isang sobrang gwapong nilalang. Natulala ako at hindi makapaniwala sa nakikita ko. Yung mga iba kong kaklase nagtilian pa sa sobrang gwapo niya.
"This is Prof. Matteo Do." Pakilala niya.
TEO's Point of view.
First impression ko sa prof namin? Cool! Mukhang napakaprofessional saka mukhang matalino.
Nagpakilala siya sa klase at sinabi niya sa amin yung mga rules and regulation niya sa klase.
Life Science ang subject na ituturo niya sa amin.
Pagkatapos niyang sabihin yung introduction sa subject Nagtanong si sir Matteo kung may questions kami. May nagtaas ng kamay sa bandang likuran.
"Sir dahil about life and all others life forms naman po itong subject natin. Do aliens really exist?" Tanong niya.
Tinignan ko yung reaction ng prof namin. Pero nagulat ako dahil poker face siya. Walang reaction as in. Hinintay ko yung sagot niya dahil curious din ako.
"Well before I answer that question. Gusto ko munang malaman yung opinyon niyo. Who wants to share their thoughts?" Sabi ni Sir.
Dahil may naisip naman ako ay nagtaas ako ng kamay. But at the same time ay nag taas din si Soffi. Nagkasabay nanaman kami. Tinuro ni sir si Soffi.
"You what's your name?" Tanong ni Sir.
"Soffi Kim po." Sagot naman ni Soffi.
"Okay Ms. Soffi Kim what's your opinion?"
"Sa palagay May posibility. Ang buhay po sa Earth ay napakamysterious para sa akin. Madami pa tayong hindi nalalaman na mga bagay tungkol dito. Sa dami ng galaxies at sa lawak ng universe may malaking chance mo na may ibang life forms na nabubuhay that are lightyears away from us."
Wow naisip ko din yun ang galing. Pagkatapos niyang sumagot ay naghiyawan yung mga kaklase naming lalaki. Saka naman ako tinawag kasunod. Dahil magkatabi naman kami ni Soffi.
"Your name?"
"Teo Park po."
Pagkasabi ko nung pangalan ko napansin ko naparang napatingin siya sa akin. Tinignan niya din si Soffi. Tapos saka niya sinabing ituloy ko na daw.
"Yes may possibility. Ang human being dito sa Earth ay nakakagawa ng mga bagay katulad ng pagtakbo at pagtayo ng hindi nahihirapan dahil sa gravity. Sa ibang planeta Im sure na meron ding ibang element or force na pwedeng mag exist para sa mga life forms na nakatira doon. Hindi din natin alam kung totoo ngang may mga tao na may kakayahan na hindi kayang gawin ng ibang tao katulad ng mga nakikita nating viral videos sa panahon ngayon na kung saan may mga nakakalutang na tao at nakakapagpagalaw ng mga bagay. Hindi tayo makaksigurado kung totoo yun o edited lang pero kung iisipin natin paano kaya kung meron talaga? Are they considered aliens to? Or a mere human being." Sagot ko.
Pumalakpak yung mga kaklase kong babae. Si Soffi naman nakatitig sa akin at mukhnag bilib na bilib.
"Thank you for sharing your opinion Ms. Kim and Mr. Park. But In reality, Well No one knows. Kung meron man. It would be a nice discovery. Na appreciate ko yung mga opinions niyo and for that I will give you extra points." Sabi ni sir Matteo.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...